BL actor na mahilig mag-post ng mamahaling gamit sa socmed, dyowa ng mayamang beki Bandera

BL actor na mahilig mag-post ng mamahaling gamit sa socmed, dyowa ng mayamang beki

Ervin Santiago |July 20,2021
share this

BL actor na mahilig mag-post ng mamahaling gamit sa socmed, dyowa ng mayamang beki

Ervin Santiago - July 20, 2021 - 08:59 AM

PANAY ang post ng isang aktor na nakilala sa BL (Boy’s Love) projects ng mga mamahaling gamit sa kanyang mga social media accounts.

Kaya naman nagtataka ang mga nakakakilala sa kanya pati na ang mga nakakasama niya sa trabaho kung saan nanggagaling ang perang ipinambibili o ginagastos niya sa kanyang mga luho.

Hindi naman kasi basta-basta ang mga ipino-post niyang mga gamit sa socmed — talagang nagmumura ang kanyang mga Louis Vuitton, Balenciaga, Gucci at iba pang luxury brands sa mga binabalandra niya sa Instagram. 

Tanong ng ilang netizens, wala namang big projects ang binata at hindi naman siya prime star na may malaking talent fee, pero bakit nakaka-afford siya ng mga branded stuff.

Ganu’n ba kalaki ang kinikita niya sa mga BL projects na nagawa niya para maka-buy ng mga mamahaling kagamitan.

Sinagot ‘yan ng aming source, aniya may dyowa palang beki ang young aktor na nagbibigay sa kanya ng budget para ipambili ng kanyang mga luho. At ang beking ito ay ang kanyang manager din. 

Bukod sa kanyang mga luho, ay lagi ring nag-a-out of town ang binata kasama ang mayamang bek. Lagi rin silang nasa sosyal na hotel para mag-happy-happy. Busog na busog siya sa materyal na bagay. 

Na-curious tuloy ang aming kausap kung binubusog din ba niya ng pagmamahal at pag-aalaga ang dyowa niyang bading? Or baka naman ginagamit lang niya ang kanyang manager? 

Kinukuwestiyon kasi ng marami ang motibo ng BL aktor sa kanyang dyowang bading na pera lang daw ang habol nito. Patago sila kung mag-date. Akala ng marami na manager niya lang ang beki. 

Pati nga raw ang pagpapaayos ng kanyang face ay galing din sa beki. Kitang-kita naman daw na ibang-iba na ang itsura ngayon ng binata.

Ayon pa sa aming source, mukhang mababaliw ang beki kapag iniwan siya ng feeling sikat na BL aktor na may series ngayon kasama ang isang baguhang BL aktor.

Huling hirit ng aming source, kailan naman daw kaya aamin si BL aktor tungkol sa relasyon nila ng kanyang manager? At kailan din kaya siya magpapakatotoo sa kanyang sarili?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending