Paolo ibinandera ang pa-yummy photo, LJ umeksena: Pst! Hala sige uwi Pedring! | Bandera

Paolo ibinandera ang pa-yummy photo, LJ umeksena: Pst! Hala sige uwi Pedring!

Ervin Santiago |July 19,2021
facebook
share this

Paolo ibinandera ang pa-yummy photo, LJ umeksena: Pst! Hala sige uwi Pedring!

Ervin Santiago - July 19, 2021 - 09:02 AM

TAGUMPAY ang pinagdaanang fitness journey ni Paolo Contis! Achieved na achieved na ng Kapuso actor ang katawang pinagpaguran niya ng ilang buwan.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Paolo ng topless mirror selfie kung saan kitang-kita na nga ang kanyang mga abs.

Kalakip din nito ang litrato ng isang weighing scale at ng isa niyang lumang photo na kuha bago niya simulang karirin ang pagpapaganda muli ng katawan.

“Last day ng aming quarantine! Ready na si Mikoy (role niya sa serye) mag taping ng ‘I Left My Heart in Sorsogon!’

“Kaya naman Paolo left his fats in Metro Manila!” ang caption na iniligay ng aktor sa kanyang pa-yummy photo. 

Maraming nagkomento sa IG post ni Paolo kabilang na ang kanyang leading lady sa “I Left My Heart In Sorsogon” na si Heart Evangelista.

At siyempre, nag-iwan din ng nakakaaliw na comment ang partner niyang si LJ Reyes. Pang-aasar niya kay Paplo, “Pst! Hala sige uwi Pedring!”

Kung matatandaan, noong pagpasok ng January, 2021 ay nag-post ng topless photo ang showing with his well-toned abs na kinunan 15 years ago. Aniya, nais daw niyang ibalik ngayong taon ang kanyang katawan noon.

* * *
Masayang ibinahagi ng isa sa lead stars ng upcoming GMA Afternoon Prime series na “Nagbabagang Luha” na si Glaiza de Castro ang ilan sa mga larawan at videos na kuha mula sa last taping day ng kanilang serye.

Kapansin-pansin sa mga BTS  (behind-the-scene) photos at videos na ipinost ng aktres sa kanyang Instagram ang closeness at masayang bonding na nabuo hindi lang ng cast kundi pati na rin ng production team ng “Nagbabagang Luha.”

Ani Glaiza sa kanyang caption, “Last day taping ganap. First show na natapos ko during pandemic. Medyo nakakapanibago, pero sobrang saya na I was able to work with such amazing people. 

“From actors to production team and resort staff, ang gaan ng pakiramdam. Maraming maraming salamat sa tawa at pagdamay sa mga iyak. Hanggang sa muli!” pahayag ng singer-actress.

Mas na-excite pa ang fans ng aktres nang ibahagi nitong mapapanood na ang “Nagbabagang Luha” sa darating na Aug. 2 sa GMA Afternoon Prime block.

Gagampanan ni Glaiza sa serye ang karakter ni Maita, ang responsable at mapagmahal na kapatid ni Cielo na bibigyang-buhay naman ni Claire Castro. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makakasama rin nila rito sina Rayver Cruz, Mike Tan, Myrtle Sarrosa, Karenina Haniel, Royce Cabrera at Gina Alajar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending