Amy Perez nagluluksa sa pagpanaw ni Hans Mortel: You will always be my favorite ‘sawsawero’
NAGLULUKSA ngayon ang TV host-actress na si Amy Perez dahil sa pagpanaw ng stand-up comedian na si Hans Mortel.
Nagkasama ang dalawa sa programang “Face To Face” ng TV5 noon kung saan si Hans ang nakikipag-usap sa studio audience na nais magkomento at maglabas ng saloobin sa tinatalakay nilang mga issue.
Ibinahagi ni Amy ang throwback photo nila ni Hans sa kanyang Instagram account na kuha noong magkatrabaho pa sila sa nasabing programa ng TV5.
Mababasa rito ang quote na, “A true friend is never truly gone. Their spirit lives on in the memories of those who loved them.”
Aniya sa caption, “Salamat sa love mo at lahat ng magaganda nating memories together.
“You will always be my favorite ‘SAWSAWERO.’
“I will miss you. (broken hearts emojis) No more pain. (crying emoji).
“Rest now in the loving arms of our Lord Jesus Christ.
“My Deepest Sympathy to his family.”
Kahapon, ibinalita ng kapatid ng komedyante na si Jean Mortel Chupungcu na punanaw na nga si Hans ngunit wala siyang ibinigay na detalye kung ano talaga ang naging sanhi ng pagkamatay nito.
Pero ayon kay Jean nagkaroon ng swollen lymph nodes ang comedian hanggang sa magkaroon ng mga kumplikasyon tulad ng pneumonia at tuberculosis.
Halos tatlong buwan ding nakipaglaban ang kanyang kapatid sa iniinda nitong sakit habang naka-confine sa ospital.
“Gone too soon! You fought a hard battle. Thank you for giving it your all.
“I know you tried so hard for us. It’s ok, you fought for 3 months. We fought the battle with you.
“And now you can rest in peace. I will be comforted by the thought that you’re with Papa and Mama Azon now.
“And you’re face to face with our Lord. It hurts so bad, to let you go, but you deserve to rest. Know that we love you and we always will,” ang mensahe ni Jean sa namayapang kapatid na ipinost niya sa Facebook.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.