Francine Diaz pangarap magpaka-Angelina Jolie sa action movie | Bandera

Francine Diaz pangarap magpaka-Angelina Jolie sa action movie

Reggee Bonoan |July 15,2021
facebook
share this

Francine Diaz pangarap magpaka-Angelina Jolie sa action movie

Reggee Bonoan - July 15, 2021 - 02:05 PM

ANGELINA JOLIE AT FRANCINE DIAZ

IBINAHAGI ni Francine Diaz na isang malaki at hindi inaasahang pagkakataon na mapansin ang kanyang unang suspense thriller movie na “Tenement 66″ sa 25th Bucheon International Fantastic Film Festival (BIFAN) sa kategoryang Bucheon Choice.

Pahayag ni Francine, “Napakalaking blessing, napakalaking opportunity.”

Ginampanan ng dalaga ang karakter na Lea, isang tahimik ngunit palabang babae. Kasama niya rito sina Francis Magundayao at Noel Comia mula sa direksyon ni Rae Red.

Sa lahat ng mga eksenang ginawa niya sa nasabing iWantTFC movie, ang pinaka-challenging, ayon kay Francine, ay ang scene kung saan pinahihirapan siya.

“Kasi na-e-explore ko yung sarili ko bilang artista at kung hanggang saan ang kaya ko at kung ano ang kaya kong ibigay.

“After nilang ibigay sa akin yung kwento at yung character, sabi ko, ‘Okay po ako. Kelan po tayo magsisimula?’ Kaya talagang sobrang saya ko nu’ng nabigay siya sa akin,” kuwento ng batang aktres na kasama rin sa seryeng “Huwag Kang Mangamba” at sa digital series na “Click, Like and Share.”

Aminadong kinabahan si Francine nang malaman niyang ang award-winning feminist film director ng “Babae at Baril” ang kanyang makakatrabaho.

“Kasi first time ko po siyang makaka-trabaho. Napakagaling na director at open siya sa mga suggestions naming actors, kung ano ang gusto naming gawin sa characters namin. Ready siya makipag-collaborate sa mga actors,” kwento ni Francine.

Dahil sa “Tenement 66” na isang malaking proyektong pinagkatiwala sa kanya, mas handa na ang dalaga sa mas mapaghamong mga karakter na kanyang gagawin sa mga darating na proyekto.

“Yes, I think so. Like I said, I’m always down for the challenge, especially when it comes to acting,” she said. “Kasi gusto ko yung meron akong na-a-unlock na achievement or skill sa buhay ko at sa sarili ko,” say pa ng aktres.

Kahit anim na taon na siya sa industriya, nais pa rin ni Francine na makilahok at gumanap sa maraming pinapangarap na proyekto.

“Gusto kong ma-try yung role na secret agent ako or ako naman yung medyo ma-action. Yung parang si Al Pacino sa Scarface tapos si Angelina Jolie sa Salt,” sabi pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood ang “Tenement 66” sa commercial-free at high-definition sa SKY Pay-Per-View simula Hulyo 9 hanggang Agosto 9. Ang Tenement 66 ay co-production ng Dreamscape Entertainment, ABS-CBN entertainment, at ng Epicmedia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending