Ivana bagay na bagay maging Dyesebel; kapatid na si Hash nanliligaw kay Donnalyn Bartolome? | Bandera

Ivana bagay na bagay maging Dyesebel; kapatid na si Hash nanliligaw kay Donnalyn Bartolome?

Therese Arceo |July 15,2021
facebook
share this

Ivana bagay na bagay maging Dyesebel; kapatid na si Hash nanliligaw kay Donnalyn Bartolome?

Therese Arceo - July 15, 2021 - 12:57 PM

LITAW na litaw ang kaseksihan ng aktres na si Ivana Alawi nang mag-ala mermaid for a day sa kanyang latest vlog.

Tila walang talab ang tag-ulan sa hotness ng dalaga. Matagal na raw niyang gusto na maranasan kung paano maging sirena dahil bata pa lang ay nanonood na siya ng “Marina” at “Dyesebel.”

Comment pa ng ilang netizen, swak na swak ang role ni Marina o ni Dyesebel sa sexy actress. Kitang-kita kasi sa vlog na bukod sa kanyang sexy body, magaling at sanay rin sa paglangoy at pagsisid ang dalaga.

Hirit pa ng isang netizen, “ABSCBN baka naman… remake remake tayo dyan.. bagay na bagay sa IDOL ko ohhh.. Legend of the blue sea pwd na rin.”
Bukod sa pagiging future Dyesebel at Marina, bagay na bagay rin daw ang role sa kanya bilang Marimar. Sa umpisa kasi ng vlog, mala-Marimar ang look ni Ivana, mula sa curly hair, pati ang suot na ito ay pasok na pasok sa banga para maging next Marimar.

Sa kalagitnaan ng vlog, nagkaroon ng fast talk ang dalaga kasama ang kapatid na si Hash at si Mama Alawi. Nagpahiwatig pa nga siya sa pagiging single at nanawagan na kung sino man ang kanyang “the one” ay i-DM (direct message) na agad ang kanyang ina.

Kinilig naman ang ilang netizens nang tila inilaglag ni Ivana ang kanyang kapatid sa kaugnayan nito sa isa pang sikat na aktres at y
YouTuber na si Donnalyn Bartolome.

“Ma, si Hashim nagpadala siya ng flowers kay ____,” sumbong ng dalaga ngunit hindi natapos dahil nilublob siya bigla sa pool ng kapatid.

Maraming netizens ang agad na natuwa at nagtanong kung si Donnalyn ba talaga ang pinadalhan ng flowers.

Nag-post kasi ang dalaga kamakailan ng flowers na may caption na, “I received 50 tall, breath-taking pale pink roses on a really stressful day at work, my mood was tickled~ but I was left guessing as the note provided me with only one initial.. I’m gonna need you to confirm *privately who you are.. I have a good guess but I’m too shy to ask hehe.”

Nag-comment rin kasi si Ivana nang “ABAAA EFFORT” na para bang nagpapahiwatig na si Hash nga ang tinutukoy ng dalaga.

Matatandaan na nag-umpisa ang Donna-Hash noong inamin ng binata ang kanyang paghanga kay Donnalyn. Mas tumindi pa ito nang mag-collab si Ivana at Donna para i-prank si Hash sa vlog nito.

Isang netizen pa ang nag-comment na confirmed daw na dumalo ang binata sa birthday celebration ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mas lalong naintriga ang kanilang mga tagasuporta ngunit sa ngayon, tahimik ang dalawa tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon sa isa’t isa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending