Mga misis napa-hashtag #SanaAll sa 'kilig post' ni Chito para kay Neri | Bandera

Mga misis napa-hashtag #SanaAll sa ‘kilig post’ ni Chito para kay Neri

Ervin Santiago |July 12,2021
facebook
share this

Mga misis napa-hashtag #SanaAll sa ‘kilig post’ ni Chito para kay Neri

Ervin Santiago - July 12, 2021 - 09:07 AM

PINUSUAN at nakakuha ng sandamakmak na likes mula sa mga netizens ang bagong Instagram post ng Parokya ni Edgar frontman na si Chito Miranda.

Kilig na kilig ang mga tagasuporta ni Chito sa mensaheng ibinahagi niya sa IG patungkol sa relasyon nila ng asawang si Neri Naig at kung gaano siya ka-excited gumising nang maaga araw-araw.

Ayon sa OPM icon, kakaibang saya at excitement ang nararamdaman niya kahit sa mga simpleng lakad at bonding moments nila ni Neri na buntis nga ngayon sa ikalawa nilang anak.

Sabi ni Chito sa caption ng kanyang IG photo, “Errands and responsibilities.

“Gising na ko by 5:30 am kasi ang dami naming kelangan asikasuhin ni Neri.

“While dressing up, na-realize ko na excited ako sa lakad namin kahit sasamahan ko lang naman siya magpa-check up at tumingin ng property sa kabilang brgy,” aniya.

Patuloy pang pahayag ng singer-songwriter, “Alam ko hindi siya ‘ideal date’, but I was excited nonetheless kasi I’d be spending time with her kahit napaka-mundane ng mga kelangan namin gawin.

“Di ko alam kung mababaw lang ba talaga ako, or appreciative lang talaga ako sa mga simple things that I get to do sa buhay ko ngayon.

“Or maybe, I’m just really happy to be where I am now,” sabi pa ni Chito.

In fairness, talagang maraming misis ang napa-hashtag #SanaAll sa post ni Chito dahil feel na feel daw talaga nila ang sobrang pagmamahal nito sa kanyang asawa.

Isa si Chito sa mga kilalang celebrity na walang sawa sa pagpo-post ng mga appreciation letter nila para purihin at ibandera ang magagandang qualities ng kanilang mga misis.

Dalawang beses ikinasal sina Chito at Neri noong 2014. Unang ginanap ang kanilang civil wedding noong Dec. 13, 2014 sa Vask restaurant sa Taguig City at sinundan nga ng grand garden wedding sa Tagaytay kinabukasan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nito namang nagdaang Mother’s Day (May 9), ibinandera ng celebrity couple na magkakaroon na uli sila ng baby at magiging kuya na ang panganay nilang si Alfonso.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending