Bianca naka-relate sa role niya bilang ikatlong asawa ni Dennis sa 'Legal Wives' | Bandera

Bianca naka-relate sa role niya bilang ikatlong asawa ni Dennis sa ‘Legal Wives’

Ervin Santiago - July 12, 2021 - 09:09 AM

BILIB na bilib at talagang naka-relate raw ang Kapuso actress na si Bianca Umali sa karakter niya sa upcoming Kapuso series na “Legal Wives.”

Super challenging para kay Bianca ang pagganap bilang Farrah, ang ikatlo at pinakabatang asawa ng karakter ni Kapuso Drama King Dennis Trillo na si Ismael. 

Kuwento ni Bianca sa panayam ng GMA, “Si Farrah kasi, siya talaga ‘yung bumaligtad ‘yung mundo niya. Kung ano ‘yung mga mayroon siya dati, kung ano ‘yung mga mangyayari sa kanya in the future, sobrang layo.

“At hindi mo aakalain na mangyayari sa kanya yun. Talagang nagbagong-buhay siya, magbabagong buhay, mag-iiba ‘yung buhay niya.

“Nae-excite ako na mapanood ng mga tao ‘yung kuwento niya kasi ang ganda at saka punumpuno siya ng puso,” chika ng dalaga.

“Nakaka-relate rin ako sa strength niya, sa strength niya of facing the challenges na ibinigay sa kanya. 

“Kasi kahit na wala siyang alam, kahit na hindi niya in-expect ‘yung mga mangyayari sa kanya, hinarap niya pa rin ‘yun ng buong-puso at hindi siya nawala sa sarili niya,” sey pa ng Kapuso young actress.

Isa pa sa matinding hamon na hinarap ng dalaga sa “Legal Wives” ay ang pagsasalita ng ilang Mranaw words sa kanyang mga eksena.

“Pinaghandaan ko rin ‘yun, ‘yung mga mahahabang salita na Mranaw. Actually, palagi akong tumatabi sa consultants namin kasi napaka hirap. Mahirap talaga siya. Mahirap kabisaduhin ‘yung Mranaw terms,” kuwento pa ni Bianca.

Makakasama rin nina Bianca at Dennis sa “Legal Wives” sina Alice Dixson at Andrea Torres na gaganap din bilang mga asawa ni Ismael.

“Mayroon kaming kanya-kanyang kulay. You will see that through the details, hindi lang sa damit namin pero sa lahat. Si Farrah ang color niya ay blue. Si Diane which is si Ate Ada (Andrea), ang color niya ay red. And si Amirah naman, si Ms. A (Alice), ang color niya yellow,” pagbabahagi pa ng aktres.

Dagdag pa niya, “Gusto kong mapanood nila ‘yung tatlong kasal kasi sobrang linaw din sa amin ‘yung tatlong magkakaibang klase ng pagmamahal.” 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Malapit nang mapanood ang “Legal Wives” sa GMA Telebabad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending