Angel loyal Kapamilya: Hindi mo sila iiwan habang naghihirap, habang may pinagdaraanan... | Bandera

Angel loyal Kapamilya: Hindi mo sila iiwan habang naghihirap, habang may pinagdaraanan…

Ervin Santiago - July 11, 2021 - 08:45 AM

HINDI kayang iwan ng actress-TV host na si Angel Locsin ang ABS-CBN lalo’t hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng bagong prangkisa ang network.

Nangako si Angel na mananatili pa rin siyang Kapamilya kahit natapos na ang programa niyang “Iba Yan” at wala nang kasunod na proyekto.

Aniya, hindi kaya ng kanyang kunsensiya na basta iwan na lang  ang ABS-CBN na naging tahanan na rin niya sa loob ng mahabang panahon.

“Stay ako rito kasi iyon ang tingin ko na tama. Nandito lang ako kasi hindi ko kayang iwan yung mga kaibigan o kapamilya,” ang sabi ng award-winning actress sa panayam ng ABS-CBN.

Aniya pa, “Hindi mo naman sila iiwan habang naghihirap, di ba? Habang may pinagdaraanan, hindi mo iyan iiwan kapag mahalaga sa ’yo.

“Habang may pinagdadaanan yung ABS-CBN, nandito lang ako. It doesn’t mean na nakikita mo akong araw-araw, pero I am a Kapamilya pa rin. Nandito lang ako,” paliwanag ng fiancée ni Neil Arce.

Sabi pa ni Angel, may nai-save naman daw siya kahit paano kaya kahit hindi muna siya magtrabaho ay pwede pa rin niyang suportahan ang sarili at ang kanyang pamilya.

“Okay pa naman ako. Hindi ako mayaman na mayaman. Wala po akong ganoon. Siguro, yung years na pinagkatiwalaan ako ng tao, kahit paano may ipon din naman.

“May kaunting investment. Kaya pa naman mag-survive ng pamilya ko doon.

“Sa ngayon, puwede naman tayong mag-YouTube, may mga endorsement. Siyempre ikakasal din ako, so asikasuhin ko muna yun, di ba?

“May mga bagay muna na siguro na kailangan muna pagtuunan ng pansin pero nandito lang ako. Nandito lang ako,” paniniguro pa niya sa mother network.

Samantala, nagbigay din siya ng pahayag tungkol sa ilang Kapamilya stars na lumipat na ng network tulad nina Bea Alonzo, Pokwang at John Lloyd Cruz. Aniya, wala siyang karapatang husgahan ang mga ito.

“I-add ko lang na wala akong judgment sa mga kailangang lumipat. Naiintindihan ko at alam ko na kailangang kumayod para mabuhay.

“Lahat tayo may iba-ibang pinagdadaanan. At masaya ako kung makahanap sila ng ibang trabaho sa panahong ito at iyan din naman ang gusto ko, ang nasa maayos na kalagayan ang lahat.

“Ito lang ang naaangkop para sa akin,” diin pa ni Angel hinggil sa kanyang loyalty sa Kapamilya network.

Sa huli, sinabi ng aktres na naniniwala pa rin siya na makababalik pa rin sa himpapawid ang ABS-CBN, “Lahat naman ay may struggles, di ba? Pero lahat nagtatapos, di ba?” 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Baka mabigyan ng pagkakataon na mapakita at maayos kung anuman ang mga dapat ayusin. Naniniwala talaga ako dahil iba rin ang clamor ng mga tao. Maraming nakaka-miss,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending