The Clash graduate Jong Madaliday walang-awang 'pinatay' sa socmed, pati si Bea nadamay | Bandera

The Clash graduate Jong Madaliday walang-awang ‘pinatay’ sa socmed, pati si Bea nadamay

Ervin Santiago - July 10, 2021 - 08:53 AM

PATI ang Kapuso singer na si Jong Madaliday ay napabalitang namatay na at pati ang bagong lipat sa GMA 7 na si Bea Alonzo ay idinamay pa ng mga nagpapakalat ng fake news tungkol sa binata.

Maraming kaibigan at fans ang naalarma nang may kumalat na balita sa Facebook na pumanaw na raw ang The Clash Season 1 graduate.

Unang lumabas ang pekeng balita sa Facebook page na Bakkler na  mariin ngang pinabulaanan ni Jong na bukod sa pagiging singer ay isang matagumpay na vlogger na rin ngayon.

Laugh lang nang laugh si Jong nang makarating sa kanya ang fake news at pinatunayan nga na siya ay buhay na buhay pa sa pamamagitan ng pagpo-post ng video sa Facebook.

“Tawang-tawa ko. Gag*, pinatay ako. Yo guys, I’m still alive. ‘Di ko alam kung bakit pinatay niya ako agad. ‘Di nga ko nagpaparamdam sa social media e. 

“Minsan nga lang ako nag-a-upload e. Kahit picture, ‘di nga ako nag-a-upload. Pagbukas ko ng social media, sinabi patay na raw ako. Ang lala!” paliwanag ng binatang Kapuso singer.

Sa isa pang post, muling pinabulaanan ni Jong ang pekeng balita, “Una sa lahat, sasabihin ko buhay pa ko. Bakit n’yo ko pinatay?

“Yo, nanahimik ako. Gusto ko lang chill, gusto lang chill dito sa bahay kasi malapit na ‘kong bumalik ng Manila. And yo, ‘di ko alam kung ano ‘yung ginawa kong masama.

“Sobrang tahimik ako sa social media, ni hindi nga ako nakakapag-upload ng vlog, basta wala na kong ginagawa.

“Gusto ko lang mag-relax, last week nga sinisipon ako. Ayun guys, gusto ko lang malaman n’yo na I’m still alive.

“Mag-ingat kayo parati, ‘di ako alam ang sasabihin. Speechless ako, man, I’m still alive, alright?” aniya pa.

Kasunod nga nito, kumalat din sa social media ang chika na ayaw na ayaw daw niyang makatambal ang bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo.

May ipinost pa ngang artcard ang FB page na Bakkler na may quote at nagsasabing choosy pa raw ang binata sa pagkakaroon ng leading dahil nga hindi niya feel makatambal si Bea.

Ang fake news na nakalagay sa artcard, “I heard the rumors na gusto raw ako makatambal ni Bea Alonzo, panawagan ko lang na itigil na po ‘yung speculation na ako ‘yung magiging leading man niya dahil una sa lahat, ayokong pinapares sa kung kani-kanino lang, mawalang galang na po Miss Bea pero pihikan talaga ako.”

Sey ng binata, never daw siyang na-interview tungkol kay Bea at hinding-hindi siya magsasalita ng masama kay Bea o kahit pa kaninong artista. 

Paalala pa niya sa publiko, huwag basta-basta maniniwala sa mga naka-post sa social media dahil parami na nang parami ang mga pekeng sites ngayon na ang tanging ginagawa ay magpakalat ng fake news.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon, hindi na available ang nasabing FB page matapos i-report ng mga followers ni Jong.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending