Impersonator ni Mega na si Ate Shawee humihingi ng tulong: Kaunti na lang susuko na ako... Bandera

Impersonator ni Mega na si Ate Shawee humihingi ng tulong: Kaunti na lang susuko na ako…

Ervin Santiago |July 07,2021
share this

Impersonator ni Mega na si Ate Shawee humihingi ng tulong: Kaunti na lang susuko na ako…

Ervin Santiago - July 07, 2021 - 09:13 AM

“HINDI na pala ako gagaling.” Ito ang malungkot na ibinalita ng isa sa mga sikat na impersonator ni Megastar Sharon Cuneta na si Ate Shawee Martinez.

Sa pamamagitan ng kanyang social media account, ipinaalam ng stand-up comedian sa kanyang mga kaanak at kaibigan ang tungkol sa pinagdaraanan niyang pagsubok.

Ayon kay Ate Shawee, habang tumatagal daw ay tila lumulubha pa ang kanyang iniindang karamdaman.

“Hindi na pala ako gagaling. Lumabas man babalik ulit ospital walang wala na ako umaasa lang ako sa mga nagbibigay tulong sa akin. 

“Dko na yta kakayanin anu man mangyari konti na lang suko na ako,” ang unang post ng komedyante sa Facebook.

Nanawagan din siya sa mga makakabasa ng kanyang status sa FB na i-tag si Sharon at baka sakasaling mabasa ng kanyang idolo ang nangyayari sa kanya at matulungan siya.

Sa sumunod niyang FB post, inamin ng impersonator na hirap na hirap na siya sa kanyang kundisyon at may mga pagkakataon na pinaghihinaan na rin siya ng loob.

“Nalulungkot ako napanghihinaan ng loob iyak ako ng iyak… Sana naman kayanin ko lahat ito. Mother of perpetual help,” ani Ate Shawee.

Sa ngayon, patuloy na gumagawa ng paraan ang ilang kapamilya at malalapit na kaibigan para makatulong sa pinansiyal niyang pangangailangan lalo na sa kanyang pagpapagamot.

Kasunod nito, nag-post din sa Facebook ang pamangkin ni Ate Shawee na si Rafaela De Jesus para humingi ng tulong sa mga nakakakilala sa komedyante.

“Hi facebook friends…sa mga napa saya at natulungan niya… My tita Shawee Martinez is in a bad shape. 

“She has LIVER Complications. She is in need of financial assistance. Any amount will do. 
“Let us give her back the joy and help she once gave us. We are asking for your prayers for a fast recovery,” aniya.

“Sa mga nais tumulong po, yan po gcash number lahat po ng isesend po buo po mapupunta kay tita shawi namin. 

“(Hindi na po namin piniling ilagay ang picture niya ngaun, dahil na rin po sa privacy ni tita shawee.) hindi po ito fake news or gawa gawa lang. at hindi naman kami mag iimbento ng ganitong sitwasyon. Maraming salamat po.

“Ishare po natin ng ishare baka sakaling maka abot kay meme Vice Ganda at kay madam mega star. Sharon Cuneta.. thankyou po,” sabi pa ng pamangkin ni Ate Shawee.

Nakalagay din sa FB post niya ang mga numerong pwedeng tawagan at kung saan maaaring ipadala ang inyong tulong para sa impersonator ng Megastar.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending