Sharon, Janice, Sam pasok sa 'Saving Grace' ni Julia

Sharon, Janice, Sam pasok sa ‘Saving Grace’ ni Julia

Ervin Santiago - July 17, 2024 - 12:03 AM

Sharon, Janice, Sam pasok sa 'Saving Grace' ni Julia

Sharon Cuneta, Janice de Belen, Sam Milby at Jennica Garcia

NATUPAD din sa wakas ang matagal nang inaasam ni Megastar Sharon Cuneta na muling makasama sa isang project si Julia Montes.

Matapos silang magkatrabaho sa hit Kapamilya action-drama series na “FPJ’s Ang Probinsyano” kasama si Coco Martin ay muli ngang mabibigyan ng chance sina Shawie at Julia na magsama sa isa na namang bonggang serye.

Baka Bet Mo: Korina hindi tatantanan ang mga bayarang trolls, simula na ng malakasang laban: In God’s Mighty Name, Amen!

Muling sasabak sa primetime si Mega via ABS-CBN latest series na “Saving Grace”, ang Philippine adaptation ng hit Japanese drama na “Mother” na pagbibidahan din ni Julia.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dreamscape Entertainment (@dreamscapeph)


Ito ang in-announce ng Dreamscape Entertainment ngayong araw sa pamamagitan ng isang teaser video sa kanilang mga social media account.

Bukod kay Sharon, kasama rin sa cast sina Sam Milby, Janice de Belen, Jennica Garcia, at Christian Bables.

Kung nagkasama sina Julia at Mega sa  “FPJ’s Ang Probinsyano”, nagkatrabaho naman sina Janice, Jennica at Christian sa ABS-CBN series na “Dirty Linen” last year.

Baka Bet Mo: Julia Montes iniligtas ni Deo Endrinal, natakot sa ‘Saving Grace’

Huli namang napanood si Sam sa 2022 Kapamilya serye na “A Family Affair” kung saan nakasama niya sina Ivana Alawi at Gerald Anderson.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dreamscape Entertainment (@dreamscapeph)


Ang “Saving Grace” ay mula sa ABS-CBN Studios at Nippon TV ng Japan na siyang nag-produce ng “Mother” na nagkaroon na rin ng remake sa iba’t ibang bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Meron itong version Turkey, South Korea, Ukraine, Thailand, China, France, Spain, Mongalia at Saudi Arabia.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending