Korina hindi tatantanan ang mga bayarang trolls, simula na ng malakasang laban: In God’s Mighty Name, Amen!
Korina Sanchez
NGAYON pa lang ay nararamdaman na ng veteran broadcast journalist na si Korina Sanchez ang inaasam na tagumpay sa pakikipaglaban niya sa mga bayarang trolls.
Feeling niya, nalalapit na ang katapusan ng maliligayang araw ng mga bashers at bully sa social media na walang ginawa kundi ang mambastos at mangwalanghiya ng kanilang kapwa.
Pagkatapos ibandera ang bago niyang krusada kontra sa mga paid trolls online kabilang na ang pagpapakulong sa mga ito, muling nag-post ang TV host ay news anchor sa Instagram para muling balaan ang mga “kalaban.”
Ibinahagi ni Korina sa kanyang mga followers kahapon ang dalawang litrato na tila kuha sa bago niyang pictorial kung saan may face painting na ginamit sa kanyang make-up.
Feeling daw ng TV host, ito ang magiging awrahan niya kapag nagwagi na ang kabutihan laban kasamaan at kasinungalingan.
Sabi niya sa caption, “When I think about good winning over evil, truth winning over lies, healing winning over abuse, victims getting even with the tormentors, undeserved and unseen enemies shamed and struck down—I feel like painting myself all over and dancing in a mardi gras.”
Kasunod nito, nagpasalamat din siya sa lahat ng tumawag at nag-message sa kanya bilang tugon sa naging panawagan niya kamakalawa, na huwag mag-atubiling magsumbong at makipag-ugnayan sa kanya ang mga biktima ng mga bayarang trolls.
“Thanks to all those who messaged and called and are now collaborating on our anti-troll project. Super appreciate you see the value of ending their existence. In God’s Mighty Name, Amen,” ani Korina.
Sa nauna niyang IG post, ibinandera nga ng dating Kapamilya news anchor na sisimulan na niya ang laban kontra bashers at haters na patuloy na naghahasik ng kadiliman at kasamaan sa socmed.
“If you’re a victim of online harrassment by paid trolls email me on [email protected] and I will give you the tips how to put them in their place.
“There are administrative and legal remedies for this. Ipakulong natin sila.
“Hiyain muna natin nang todo bago pakulong. Im in touch with the Senate about this currently. Im on your side, being a victim myself. There’s a way,” pagbabanta ni Korina.
View this post on Instagram
Pahayag pa niya, “Trolls are usually hired and orchestrated by people who dont have the guts to just confront you and tell you what they think, to your face.
“Or malaki ang kontrata para manira. Or baka kasi super inggit lang. Or bored sila and unhappy. Or obssessed with a person or an idea.
“Pathetic, really. Imbes na ayusin nalang nila ang sarili nilang buhay. Ang ganda pa naman ng buhay sana. I guess hanggang doon nalang sila? I hope not,” sey ng news anchor.
https://bandera.inquirer.net/303280/korina-tatapusin-na-ang-mga-bayarang-trolls-hiyain-muna-natin-nang-todo-bago-ipakulong
https://bandera.inquirer.net/302596/swimsuit-photo-ni-korina-na-may-caption-tungkol-sa-covid-binatikos-wala-sa-lugar-sobrang-off
https://bandera.inquirer.net/288662/korina-kinakarir-ang-pagpapabata-para-abutan-pa-ang-debut-nina-pepe-at-pilar
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.