Paolo Gumabao walang takot na ibinuyangyang ang pagkalalaki; pang-best actor sa ‘Lockdown’
WALANG arte at walang takot na ipinakita ng Kapamilya hunk na si Paolo Gumabao ang kanyang pagkalalaki sa pelikulang “Lockdown.”
Totoo nga ang sinabi ng direktor ng movie na si Joel Lamangan na isang matapang, mahusay at professional na artista ang anak ng dating aktor na si Dennis Roldan at kapatid ni Marco Gumabao.
Napanood na namin ang “Lockdown” sa ginanap na special screening kahapon sa Sine Pop, St. Mary St., Cubao, Quezon City kung saan dumalo rin si Direk Joel, ang ilang members ng cast sa pangunguna ni Paolo at ang producer na si Jojo Barron.
Present din sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chairperson Liza Dino sa naganap na special screening para suportahan ang bagong obra ni Direk Joel.
In fairness, hindi nagkamali ang producer sa pagpili kay Paolo para magbida sa “Lockdown” dahil pinatunayan ng aktor na karapat-dapat siya sa proyekto dahil talaga namang itinodo na ng aktor dito ang lahat-lahat!
Hindi mabibitin ang mga supporters ng aktor, lalo na ang mga kabadingan dahil hindi lang paghuhubo’t hubad at pagpapakita ng kanyang pagkalalaki ang ginawa niya sa “Lockdown”, as in!
Nakipaglaplapan din nang bonggang-bongga ang binata sa ilang male co-stars niya sa movie kabilang na riyan ang nakakalokang eksena nila ng veteran actor na si Alan Paule.
Actually, hindi na kami magtataka kung ma-nominate at manalong best actor si Paolo sa pelikula dahil sa ipinakita niyang akting lalo na nga sa mga eksena nila ni Alan kung saan pinaghubo’t hubad siya saka minolestiya.
Grabe ang ginawa ni Alan kay Paolo sa eksenang yun, as in mararamdaman mo talaga ang takot niya habang nagmamakaawa na huwag siyang patayin.
But more than the sex scenes, winner din ang mga hugot ng “Lockdown”, naipakita ni Direk Joel dito ang iba’t ibang mukha ng pandemya — mula sa mga pasaway na Filipino na hindi sumusunod sa health protocols, sa mga taong kumakapit sa patalim dahil sa kawalan ng trabaho, hanggang sa mga tiwali at corrupt na pulis.
Kabilang nga sa mga ipinakitang reyalidad ng buhay sa pelikula ay ang lumalaganap na online prostitution sa bansa mula nang magsimula ang COVID-19 pandemic.
Sa panayam kay Direk Joel, sinabi nito na simula pa lang ay ipinaliwanag na niya kay Paolo ang mga gagawin nila sa mga mapangahas at maiinit na eksena.
“Kinausap ko siya, ‘Alam mo, Paolo, kung ano ang kailangan mong gawin? Magpapakita ka ng t*t* dito.’ ‘Walang problema, Direk.’
“Sabi ko pa, ‘Paolo, demanding ang role na ito. It’s not only for your acting, but you have to expose yourself to the entire world.’ ‘Alin, Direk?’ ‘Ang t*t* mo, makikita.’ ‘Lahat, Direk?’ ‘Oo, walang itatago.’
“Nag-isip siya nang konti, ‘Sige, Direk, kaya ko iyan,’ sabi niya,” ang pahayag ng award-winning director.
“Mahusay si Paolo. May isang scene nga, iyong dumating silang lahat na Video Call Boys, nag-uusap sila na nakahubad, nagsusuot sila ng mga ano nila…
“Iyong unang take, parang hindi maganda ang mga nota. Sabi ni Paolo, ‘Direk, bigyan mo ako ng time at medyo ie-erect ko nang konti.’ Ha-hahahaha!
“So, sabi ko, ‘Sabihin mo lang sa aking kung ready na!’ Actor’s cue! Noong ready na, ‘O, ready, action!’ Ay, oo nga!
“That’s how professional he is. Imagine, sasabihin… kasi, after ng first take, pinanood niya, ‘Direk, can I have a take 2?’ ‘Bakit?’ ‘Kasi, pangit, kailangan, medyo iganito natin nang konti.’
“‘May igaganda pa ba iyan?’ ‘Meron, Direk, sandali lang…’ O?! That’s how professional he is,” lahad pa ni Direk Joel.
Bukod sa matatapang at palabang eksena ni Paolo sa pelikula, nag-frontal din dito sina Sean de Guzman, Kristian Allene, Neil Suarez, Dincent Lujero, at Jeff Carpio na gumanap bilang mga kasamahan ni Paolo na OSW (online sex worker).
Kasama rin sa movie sina Max Eigenmann, Ruby Ruiz, Jess Evardone, Paul Jake Paule, Mauro Salas at Alexis Yasuda.
Mapapanood na ang “Lockdown” via streaming simula sa July 23 sa KTX, Upstream at RAD.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.