Cassy Legaspi, JD Domagoso na-develop na nga ba sa isa't isa dahil sa First Yaya? | Bandera

Cassy Legaspi, JD Domagoso na-develop na nga ba sa isa’t isa dahil sa First Yaya?

Ervin Santiago |June 30,2021
facebook
share this

Cassy Legaspi, JD Domagoso na-develop na nga ba sa isa’t isa dahil sa First Yaya?

Ervin Santiago - June 30, 2021 - 01:44 PM

NA-DEVELOP na nga ba sa isa’t isa ang young Kapuso loveteam na sina Cassy Legaspi at Joaquin “JD” Domagoso matapos magsama sa hit Kapuso series na “First Yaya”?

In fairness, talagang bentang-benta sa mga fans ang tambalan ng dalawa at umaasa sila na mauuwi rin sa totohanan ang kanilang pagiging on magka-partner.

At hindi rin imposible mag-level up ang kanilang relasyon as loveteam dahil matagal-tagal din silang nagkasama sa lock-in taping ng “First Yaya” na matatapos na ngayong darating na Friday.

“Well for me, I’m really thankful because I got to be close with everybody here,” ang chika ni Cassy sa ginanap na finale virtual mediacon para sa nasabing primetime serye.

“Kami ni JD kasi, Mavy was friends with him before and then I met JD, mga 2018 ’yun, e. Tapos, naging friends kami at ’yun nga po sa First Yaya, we got closer. Naging close friends,” sabi pa ng dalaga.

Sa tanong kung ano ang mami-miss ni Cassy kay JD, ang young actor ang biglang sumagot, “Mata ko raw po.” Natawa naman si Cassy sa pangungulit ng binata.

Sabi ni Cassy, “Actually, alam na ni JD ko, honestly, I’ll miss his presence. Kasi every time after taping, he’ll always wait for me. And he would always ask, ‘Kumain ka na ba?’ He always carried my stuff na pang-taping ko. And of course, I’ll definitely miss that.

“I guess, our parang companionship or just working together. Kaya when I saw him yesterday, parang we had taping or guesting, parang sabi ko, ‘Ay, na-miss ko talaga ’to, grabe,’” aniya pa.

Kasunod nito, napuna ang pagsasabi ni Cassy ng “JD ko” sa kanyang sagot kaya inulan sila ng tukso habang nakasalang sa digicon. Kaya ang sumunod na tanong sa kanila kung nag-level up na nga ang kanilang friendship.

Tawa naman nang tawa si Cassy sabay dialogue ng, “Sinabi ko ’yun? Sorry nag-slip lang po, nag-slip lang po. Ha-hahaha!” 

Yun na ba ang tawag niya ngayon kay JD? “Hindi po, nag-slip lang po. Sorry, hindi ko na kaya, Joaquin, ikaw na nga.”

Sey naman ng natatawang aktor, “Hindi po, hindi po, nag-slip lang po talaga.”

Aniya pa, “We did get closer together naman po and we’ve been enjoying it and it’s been a fun journey so far.”

Nang tanungin uli tungkol sa pagtawag sa kanya ni Cassy ng “JD ko”, “Kasi po, kasi po, I’m hers na nga. Ha-hahaha! Pero hindi po. She just slipped, she just slipped.”

Samantala, nabanggit din ni JD na mas gumaling na raw siya ngayon sa pagsasalita ng Tagalog dahil sa “First Yaya.”

“Because you know, Jonas (role niya sa serye) really challenged me to learn how to speak Tagalog better and sa mga accent, sa words,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ngayong Biyernes na, July 2, ang finale ng “First Yaya” sa GMA Telebabad sa direksyon nina LA Madridejos at Rechie del Carmen. Tutukan kung ano nga ba ang magiging ending ng love story nina Melody at President Glenn Acosta na ginagampanan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending