Robinsons Malls, toktok nagkaisa sa pagtulong | Bandera

Robinsons Malls, toktok nagkaisa sa pagtulong

- June 28, 2021 - 02:47 PM

SIMULA nang magkapandemya naging mahirap para sa ating mga kababayan ang pamimili sa mga supermarkets, bukod sa mahigpit ang mga protocols ay pinaiksi pa ang oras ng pamimili. 

Nagkaroon din ng pagkakataon na nagkakaubusan ng supply lalo na sa mga essential na pangangailangan. Naging isa rin sa mga lugar kung saan madaling makuha ang virus ay ang mga pamilihan bukod pa sa mga ospital. 

Karamihan sa ating mga kababayan ay nagkaron ng takot na pumunta sa mga pamilihan kaya naman simula noong Hunyo 19, nagkaisa ang Robinsons Malls at toktok para sa bago nitong partnership.

Maaari ka nang mamili ng iyong mga pangangailangan sa Robinsons Malls nang hindi lumalabas ng iyong bahay, toktok na ang bahala sa iyo.

Nais ng Robinsons Mall na maging accessible at hassle free sila para sa lahat. Bisitahin lamang ang website o app ng toktok, piliin ang pabili service at i-tap ang Robinson’s Mall at maaari ka ng mamili ng lahat ng iyong kailangan. 

Hindi na kailangang lumabas ng bahay para mabili ang iyong mga essential needs. Masisiguro rin ang kaligtasan mo at ng iyong pamilya. Magsisimula sa mga branches sa Metro Manila, Cavite at Rizal at madaragdagan ito sa mga susunod na araw.

Nang mag-umpisa ang pandemya naging pangunahing layunin na ng toktok ang makapagbigay serbisyo hindi lamang sa mga mamamayang hindi makalabas ng kanilang tahanan kundi makapagbigay ng pangkabuhayan sa mga nawalan ng hanapbuhay bilang rider, operator at online franchisee kaya naman magandang oportunidad ang partnership na ito para sa lahat. 

Para sa karagdagang impormasyon maaaring bisitahin ang www.toktok.ph pati na din ang kanilang official facebook at instagram page o I-download ang app.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending