Dating Pangulong Noynoy Aquino pumanaw na sa edad 61 | Bandera

Dating Pangulong Noynoy Aquino pumanaw na sa edad 61

Ervin Santiago - June 24, 2021 - 11:17 AM

Benigno "Noynoy" Aquino III

PUMANAW na si dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III ngayong araw ng Huwebes, June 24. Siya ay 61 years old.

Ayon sa ulat, ang malungkot na balita ay kinumpirma ng isang miyembro ng pamilya Aquino, ngunit wala itong binanggit na detalye tungkol sa dahilan ng kanyang pagkamatay.

Base sa paunang report, itinakbo si former President Noynoy sa Capitol Medical Center kaninang madaling-araw.

Sinubukan pa siyang i-revive ng mga doktor ngunit hindi nagtagal ay tuluyan din siyang binawian ng buhay.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang inilalabas na official statement ang pamilya Aquino. Base sa isang video, sumugod din sa ospital ang nakababatang kapatid ni P-Noy na si Kris Aquino.

Kung matatandaan, tinamaan ng iba’t ibang karamdaman ang dating Pangulo nitong mga nakaraang taon at sumailalim din sa dialysis at heart operation.

Ipinanganak si Noynoy Aquino noong Feb. 8, 1960 sa Far Eastern University Hospital sa Sampaloc, Manila. Siya ang nag-iisang lalaki sa limang anak nina dating Sen. Benigno “Ninoy” Aquino, Jr. at dating Pangulong Corazon “Cory” Aquino. Naulila ni P-Noy ang mga kapatid na sina Ballsy, Pinky, Viel at Kris.

Si Noynoy ang ika-15 Presidente ng Pilipinas na nahalal noong 2010 at nagsilbi sa bayan hanggang 2016. Bago naging pangulo, naging senador muna siya mula 2007 hanggang 2010.

Nahalal din siya bilang congressman sa ika-2 distrito ng Tarlac, mula 1998 hanggang 2007. Naging Deputy Speaker din siya mula 2004 hanggang 2006.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending