Kapuso child star na si Paopao nagtayo ng online business: Ako po minsan naghahanda ng mga order | Bandera

Kapuso child star na si Paopao nagtayo ng online business: Ako po minsan naghahanda ng mga order

Ervin Santiago - June 24, 2021 - 08:26 AM

SA mura niyang edad ay may sarili na ring business ang Kapuso child star na si Yuan “Paopao” Francisco.

Of course, sa tulong na rin ng kanyang mga magulang ay naipatayo nga ng pamilya ni Paopao ang kanilang helmet business.

Ayon sa batang aktor, naisipan nilang pasukin ang nasabing negosyo dahil na rin sa dumarami at tumataas na demand sa mga bisikleta at motorsiklo sa bansa.

Simula kasi ng magka-COVID-19 pandemic, halos triple ang itinaas ng bilang ng mga taong nagbibisekleta at nagmomotor at kakambal nga nito ang pagtaas din ng demand sa helmet at iba pang klase ng security gear.

“Naisip po ito ni Daddy at Mommy dahil halos lahat po ng nadadaanan namin puro mga nagtitinda ng helmet.

“At tingin din po namin in-demand po ito lalo na ngayong nagka-pandemic dahil marami pong tao ang nahihirapang mag-commute,” ang pahayag ni Paopao sa panayam ng GMA.

Kuwento pa ng bagets, naisipan nilang magtinda na rin ng mga helmet nang maka-encounter sila ng problema sa isa nilang recent trip.

“Bumili po kami ni Daddy ng sarili niyang helmet. Ako po tagapili ni Daddy tapos napansin po namin sa shop na napupuntahan namin na kailangan pa po pumila para lang po makabili ng helmet,” pag-alala ni Paopao.

Kasunod nito, namili nga ng ilang pirasong helmet ang magulang ni Paopao at ibinenta online na mabilis namang na-soldout. Hanggang sa naisipan na nga nilang tawagin ang kanilang business na Helmet ni Paopao.

Kuwento pa ng child actor, sa mga nagnanais na makita nang personal ang kanilang mga items, pwede namang bumisita sa kanilang actual shop na matatagpuan sa RNL Building, Barangay Bagumbayan, Teresa, Rizal.

Kuwento pa ni Paopao, “Ako po minsan naghahanda ng mga order ng mga costumer. Ako po taga-check ng kulay at design na gusto ng mga costumer.

“Ako din po sumasagot sa FB page namin kapag may inquiries. Pero siyempre kapag inutusan lang ako ni Mommy at Daddy na sagutin ang inquiries. Ako din po taga bilang kung meron pa po kaming stocks ng mga helmet,” chika pa ng negosyanteng bagets.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Aniya pa sa nasabing interview, “Naging libangan ko na din po lalo na po ngayong bawal pa po lumabas ang mga bata. Sabi din po sa akin nila Mommy at Daddy na kahit bata pa lang daw po ako, dapat daw po alam ko din po kung paano mag-handle ng isang negosyo.”

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending