Rayver bakunado na; sasabak uli sa lock-in taping para sa 'Nagbabagang Luha' | Bandera

Rayver bakunado na; sasabak uli sa lock-in taping para sa ‘Nagbabagang Luha’

Reggee Bonoan - June 18, 2021 - 05:40 PM

SUMAKTO ngayong araw, Biyernes ang first dose ng Pfizer COVID 19 vaccine ni Rayver Cruz sa Parañaque City dahil sasabak na uli siya sa lock-in taping para sa teleseryeng “Nagbabagang Luha”.

Dapat sana ay ngayong Hulyo na ito eere pero hindi natuloy dahil nagkaroon ng problema ang isa sa cast na hindi binanggit kung sino.

“1st dose,” ang caption ng aktor sa larawang ipinost niya sa kanyang Instagram account na may hawak na COVID-19 vaccine card.

Sa Lunes, Hunyo 21 ang hotel quarantine ng buong cast at magaisimula silang mag-taping sa June 28 pero hindi na binanggit sa amin ng isang taga-GMA kung saan ang location.

Anyway, tinanong namin ang kampo ng aktor kung bakunado na ang kasintahan nitong si Janine Gutierrez pero hindi raw niya alam. Sabi namin sana’y nagsabay na sila ulad ng magkakarelasyong sina Jane Oneiza at RK Bagatsing; Maris Racal at Rico Blanco; mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera; Ogie Alcasid at Regine Velasquez at marami pang iba.

May nagsabi naman sa amin na sa ibang barangay nakareshistro si Janine kaya hindi siya puwedeng sumabay sa pagpapabakuna ng kanyang boyfriend.

* * *

Ang pinakamalaki at pinakaprestihiyosong animation festival sa buong mundo, ang Annecy International Animation Film Festival sa France mula Hunyo 14 hanggang 19, ay may malakas na representasyon mula sa Pilipinas.

Tayo ang may pinakamalaking delegasyon na pinamumunuan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), kasama ang kauna-unahang competing film mula sa Pilipinas, apat na projects, at higit sa 50 na animation workers mula sa 29 na animation studios.

Ang “Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story” ni Avid Liongoren ay napili bilang kauna-unahang pelikulang Pilipino na kasama sa kompetisyon sa Annecy. 

Ang unang Filipino Netflix animated film ay project ng First Cut Lab 2019 na isinagawa ng FDCP at Tatino Films. Ang pelikula ay tungkol sa pusang si Nimfa na naghahanap ng tunay na pag-ibig at kaligayahan at dapat pumili sa dalawang aso sa kaniyang buhay.

Sa Marché international du film d’animation d’Annecy (MIFA) o Annecy International Animation Film Market, tatlong Philippine projects, kasama ang projects mula sa Malaysia at Thailand, ay kasama sa ASEAN Pitch sa Hunyo 15. Ang mga ito ay “Ella Arcangel” ni Mervin Malonzo, “Kampilan” ni Cris Dumlao, at “Hayop Ka! Universe” ni Manny Angeles.

Ang “Ella Arcangel” ay isang series tungkol sa isang batang babae mula sa slums ng Maynila na nakikipaglaban sa mga halimaw upang protektahan ang kaniyang komunidad, at malalaman niyang may mga bagay sa mundo na mas masahol pa kaysa sa mga halimaw. 

Ang “Kampilan,” na nakapag-pitch sa virtual na Kre8tif! Conference at Content Festival sa Malaysia noong 2020, ay tungkol sa isang prinsipeng nahaharap sa isang paparating na banta. Sa tulong ng kaniyang mga tapat na kaibigan, kailangan niyang gumawa ng paraan upang mailigtas ang tribo at mapanatili ang kanilang pamumuhay.

Tampok sa “Hayop Ka! Universe” ang spin-off at sequel ng “Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story.” Ang spin-off na series na “Papa Jorge’s Bedtime Radio Confessions” ay tungkol sa love doctor sa radyo na si Papa Jorge habang ang sequel na pelikulang “The Jerry Action Bonanza: Hayop Ka Din!” ay tungkol sa isang baguhang security guard sa museum na nakikipaglaban sa mga magnanakaw at goons ng kaniyang sariling amo.

Ibabahagi ni FDCP Chairperson at CEO Liza Diño ang film incentives programs ng pambansang ahensya ng pelikula sa ASEAN Pitch in MIFA, isang mahalagang kaganapan para sa co-production, purchasing, selling, financing, at distributing content para sa lahat ng broadcasting platforms na dinadaluhan ng 13,000 na industry professionals.

Pag-uusapan naman ni FilmPhilippines Incentives Unit Manager Mil Alcain ang Film Location Incentive Program (FLIP) at International Co-production Fund (ICOF).

“We also seek to continue to support the global track of original Filipino Intellectual Property (IP) creations by giving them a platform to find industry partners in MIFA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Additionally, we wish to explore further the potential of the Filipino comics community by providing a space for them to promote their IPs in MIFA, especially with the recent success of ‘Trese’ in Netflix,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending