#Palaban: Pasabog na 'body shot' nina Sharon at Marco trending | Bandera

#Palaban: Pasabog na ‘body shot’ nina Sharon at Marco trending

Ervin Santiago |June 14,2021
facebook
share this

#Palaban: Pasabog na ‘body shot’ nina Sharon at Marco trending

Ervin Santiago - June 14, 2021 - 04:52 PM

TRENDING ngayon sa social media ang mga litrato ni Megastar Sharon Cuneta kung saan game na game siyang kumasa sa body shot challenge kasama si Marco Gumabao.

Ipinost ito mismo ni Marco sa kanyang Instagram account na agad pinusuan at ni-like ng kanyang mga fans at followers.

Ang caption na inilagay ng hunk actor sa nasabing IG post ay, “Revirginized, coming out this August only on @vivamaxph directed by Darryl Yap!”

Yes, kuha ang trending photos nina Sharon at Marco sa mga eksena nila sa bagong pelikula ni Darryl Yap, ang “Revirginized” na malapit nang mapanood sa streaming platform na Viva Max.

Hindi rin nagpatalbog si Mega sa batambata niyang leading man sa movie at nag-post din siya ng ilang litrato nila ng binatang aktor kung saan makikita na enjoy na enjoy sila sa pakikipag-party sa nasabing eksena.

“Okay! Konting pasilip sa ‘Revirginized!’ Pawi and Pawi ️ @gumabaomarco @therealrosannaroces #dumeDemiAshtonlanghahahaha!” ang nakasulat sa caption ni Sharon na ang tinutukoy ay ang Hollywood stars at ex-couple na sina Demi Moore at Ashton Kutcher.

Iba-iba ang naging reaksyon ng mga netizens sa mga ibinanderang litrato nina Shawie at Marco, pero marami ang nagsabi na excited na silang mapanood ang movie dahil gusto nilang makita ang nag-iisang Megastar sa isang hindi de-kahong proyekto.

Nauna nang sinabi ni Direk Darryl na isang “bolder” Sharon Cuneta ang makikita sa bagong pelikula ng Viva, “Hindi namin sasabihing isang bagong ‘Sharon Cuneta’ ang inyong aabangan. Ang gusto naming ipagyabang, siya pa rin si SHARON CUNETA maging ngayong bagong panahon.

“Mula sa pananalita, kilos, atake at pagkinang; paparating na ang pinakamatapang na paandar ng nag-iisang MEGASTAR,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending