#Salamatsa4G balik sigla ang turismo sa Batangas | Bandera

#Salamatsa4G balik sigla ang turismo sa Batangas

- June 11, 2021 - 12:46 PM

Ang Batangas ay isa sa mga dinarayong probinsya ng mga turista mula sa Metro Manila at mga karatig lugar. Dito makikita ang magagandang tanawin tulad ng Bulkang Taal, ang parola sa Cape Santiago, at mga beach na malinis at maputi ang buhangin.

Noong sumabog ang Bulkang Taal noong Enero 2020, maraming Batangueño ang nawalan ng trabaho, ng tirahan at ang iba, pati mahal sa buhay. Pabangon na ang probinsiya nang dumating ang ang COVID-19. Sumailalim sa mahigpit na lockdowns ang Batangas at lumayo ang mga turista. Nagsara ang mga negosyo at nanganib ang kabuhayan ng marami. 

Ramdam na ramdam ito ng mga resort sa Batangas. Dahil sa pandemya, umaasa sila sa internet para kunin ang reserbasyon at booking ng mga customer. Kaso, mahirap kumalap ng signal at mabagal pa ang internet.

Globe

Ayon sa General Manager ng Acuatico Beach Resort Monette Gusi, “Nahihirapan kaming maka-confirm ng mga visitors. Diretso kasi sa aming website makikita mo kung ano ang pwedeng i-offer ng Acuatico Beach Resort, amenities etc. Ang problema, nandyan na ang lahat ng elemento para sumigla ang resort at magpatuloy ang hanapbuhay ng mga tao – eh sasakit ang ulo mo dahil napakabagal ng internet.” 

Dinadaing din ng mga empleyado sa resort ang mahinang signal dahil dito sila umaasa para makakuha ng ekstrang kita kasi may komisyon sila sa bawat booking na makuha. 

“Ang hirap ng lulubog lilitaw ang signal ng net dito kasi yung mga nagtatanong sa akin at gustong magpunta dito, hindi ko nasasagot. Ang hirap talaga kasi pag mahina ang internet, walang kita. Nasa online na ngayon ang buhay dito,” sabi ng isang empleyado sa Acuatico.

Isa sa mga dahilan kung bakit mahirap makakuha ng signal ay ang patuloy na paggamit ng 3G sim cards. Mabagal pa ito dahil galing sa lumang  teknolohiya. 

Globe

Sa tulong ng Globe, meron ng solusyon sa hirap na dala ng pandemya. Bukod sa pag-upgrade ng cell sites ng Globe sa Batangas at karatig lugar para maging 4G LTE ay hinihikayat din ang mga konsyumer na palitan ang kanilang mga lumang sim cards ng 5G-ready 4G LTE. Meron ding mga 4G Globe plans na abot-kaya para sa nais magpalit ng mobile phone. Ang resulta – mabilis at malakas na internet na pwedeng gamitin sa pang negosyo at personal na buhay.

“Dahil sa 4G at mabilis na interconnection, dagsa ang mga bookings queries. Nakita ng mga staff ko ang pag asa na hindi kami magsasara dahil ang bisita sunud-sunod. Napakalaki ng epekto sa negosyo ng internet connection. Necessity na,” dagdag ni Ms. Gusi.

Masaya at mapayapa na rin ang isip ng empleyado sa Aquatico. Sinabi ng isang empleyado, “Salamat talaga sa 4G ang dami na namin na-popost at nagagawa online! Super saya kasi na-eexplore namin ngayon ang online world.”

Ayon sa Globe, tuluy-tuloy ang pag-upgrade at pagtayo ng mga bagong cell sites alinsunod sa pangakong bigyan nang maaasahang mobile at internet na serbisyo ang bawat Pilipino. Noong nakalipas na taon, nagdagdag ang kumpanya ng 1,300 cell sites sa iba’t ibang lugar sa bansa para paigtingin pa ang saklaw ng Globe 4G. 

“Alam namin na ang kabuhayan at pag-unlad ng nakararaming Pilipino ay nakasalalay sa mabilis at matatag na internet at mobile connection. Kung kaya’t nais naming palawakin at palakasin pa ang aming serbisyo, lalo na sa mga malayo at liblib na lugar,” ayon kay Joel Agustin, Globe Senior Vice President for Program Delivery, Network Technical Group.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang mga Globe kustomer na nasa San Juan, Batangas ay maaring ipag-palit ang kanilang mga  lumang 3G SIM card sa bagong 5G-ready 4G LTE SIM card ng libre sa mga sumusunod na tindahan:

  • Vergara’s Store, Brgy. Calublub
  • 3M Sister, Brgy. Calublub 2
  • Bernadette Store, Brgy. Subukin
  • Crismar Store, Brgy. Laiya Ibabao
  • Prince Store, Brgy. Palahanan II
  • Arg Store, Brgy. Maraykit
  • Lyn Store, Brgy. Quipot

Pwede nilang ipalit ang kanilang SIM card hanggang Hunyo 15, 2021.

Sinusuportahan ng Globe ang United Nations Sustainable Development Goals (UN SDG) tulad ng Goal No. 9 na nagnanais na magkaroon ng matatag na imprastraktura para sa patuloy na pag-unlad ng industriya.

Para sa karagdagang impormasyon, puntahan ang www.globe.com.ph.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending