Kilalang celebrity binabantayan ng psychiatrist sa taping dahil biglang nagbabago ang ugali
USO ba talaga ngayon sa mga artista na laging may kasamang psychiatrist sa set ng pelikula o teleseryeng ginagawa nila?
Naitanong namin ito dahil may nakatsikahan kaming executive ng production na ang ilan sa mga artista na nasa lock-in taping at shooting ngayon ay may mga pinagdaraanan dahil sa iba’t ibang kadahilanan.
Kaya pinapayagan nilang may kasamang doktor ang artista nila o kaya puwede silang dalawin sa set with proper health protocols siyempre.
May iba naman na okay na sa kanila ang video call kung saan nakakausap nila during break time o kapag day-off ang mga mental health experts.
Ipinaliwanag sa amin na hindi porke’t sumasangguni sa psychiatrist ang isang artista ay may problema na sa utak, hindi naman daw ganu’n lagi ang sistema.
“Gusto lang ng iba na may kausap kasi sa ilang linggo kayo-kayo ang magkakasama, may sawa factor lalo na ‘yung mga hindi extrovert na nasanay na puro ka-close lang ang kanilang mga kakilala.
“May iba naman kasi palakaibigan, sanay sa maraming kasama kaya nae-enjoy nila ang company ng isa’t isa,” paliwanag pa sa amin.
May partikular na artista raw na tahimik at mas gusto nitong nagbabasa ng libro o nakikinig ng sounds na alaga rin daw ng isang psychiatrist.
Dahil kung minsan daw ay nababago ang mood nito, pero mahusay naman daw umarte ang nasabing celebrity at mabilis ding makakuha ng instructions ng direktor.
“May mood swings, so dapat kapag ganu’n aware ka na sa artista mo. So far wala namang major problem, minsan kailangan lang talagang hintayin mo kung kailan siya okay,” kuwento ng executive sa amin.
Nabanggit pa sa amin na sa tingin nila ay may kinalaman ang problema sa pamilya at love life ng artistang binabanggit namin kaya nagkakaganoon siya.
Kailan kaya matatapos ang COVID-19 pandemic na ito para bumalik na sa normal ang taping at shooting na uwian lang tulad ng nakagawian noong wala pang pandemya?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.