Nagseselos nga ba ang panganay na anak ni Meryll sa baby nila ni Joem? Bandera

Nagseselos nga ba ang panganay na anak ni Meryll sa baby nila ni Joem?

Reggee Bonoan |June 10,2021
share this

Nagseselos nga ba ang panganay na anak ni Meryll sa baby nila ni Joem?

Reggee Bonoan June 10,2021 - 06:55 PM

HALOS 12 years na naging solong anak si Elijah o Eli Palanca ni Meryll Soriano ngunit noong Disyembre, 2020 nga ay dumating sa buhay nila ang bunsong kapatid na si Guido na anak naman ng aktres kay Joem Bascon.

Sa vlog ni Meryll, naging guest niya ang panganay na anak at diretsong tinanong kung nagseselos ito sa bunsong kapatid na siya ring nais malaman ng netizens.

“Honestly, the answer is no! There’s no need to be jealous and since I’ve always want to have a brother and for me I’m very happy ‘coz I have someone to bond as well,” nakangiting sagot ng binatilyo na 13 years old na ngayon.

Say naman ni Meryll, “And I’m very lucky na ganyan ka, kasi totoo naman na maraming nagseselos kapag meron ng bagong kapatid or I think, age gap also helps na ang layo ng agwat ng age n’yo (nakatingin kay Eli).

“So, you know you have your own thing going on. Actually hindi niya (Eli) kailangan ng attention ko, ayaw na niya ng attention ko at mas gusto niya maglaro ng maglaro ng computer!” sabi ng aktres.

Nabanggit pa ni Meryll na may guilt feeling siya kasi hindi niya nabigyan ng mahabang panahon ang panganay dahil siguro sa trabaho niya na okay lang naman daw kay Eli dahil kaya naman nitong aliwin ang sarili.

“Pero kuya darating ang panahon na manonood tayo ng maraming-maraming cartoons (kasama si Guido),” sambit ni Mama Meme.

“I love watching cartoons, I miss cartoons,” saad naman ng bagets.

“Eli always visits us sa room and plays with the little boy and sa akin, napaka-priceless ng moments na ‘yun and I’m very happy and I know you’re going to be a great kuya to the little human,” pahayag ni Meryll.

Sundot ng anak, “And a great mother kasi.”

Samantala, ini-enjoy ni Eli ang pagiging kuya niya ngayon kay Guido dahil nga lumaki siyang mag-isang anak at walang kalaro.

“Very exciting first of all. And the reason I find it exciting is because I grew up without like any father figure (nag-make face si mama Meme) and I really don’t have a sibling of course (kasama sa bahay pero may mga kapatid siya sa amang si Bernard Palanca),” say nito.

Hirit ni Meryll, “May sibling ka si Isaiah pero hindi natin nakakasama dito sa bahay.”

“Yes not in the house kaya I’m the only child talaga which I was okay with and I’m excited because I can teach my little brother now something that I could never be thought. I can teach him ano, a brotherly fashion (tumawa), the things I do,” kuwento ni Elijah.

Si Eli ang magiging role model ng bunsong kapatid niyang si Guido na limang buwan pa lamang ngayon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending