Kim Domingo inalala ang b-day ng yumaong BFF: Pakiramdam ko ikaw ang #TOTGA ko Bandera

Kim Domingo inalala ang b-day ng yumaong BFF: Pakiramdam ko ikaw ang #TOTGA ko

Ervin Santiago |June 10,2021
share this

Kim Domingo inalala ang b-day ng yumaong BFF: Pakiramdam ko ikaw ang #TOTGA ko

Ervin Santiago June 10,2021 - 11:28 AM

HANGGANG ngayon ay buhay na buhay pa rin sa puso’t isipan ng Kapuso sexy actress na si Kim Domingo ang pumanaw niyang best friend.

Kamakalawa, June 8, inalala ni Kim ang kaarawan ng BFF niyang lalaki na si Angelo Fango na sumakabilang-buhay nga noong August, 2020 dahil sa kumplikasyon sa kanyang baga.

Sa kanyang Instagram page, in-upload ng dalaga ang maikling video clip kung saan mapapanood ang mga bonding moments nila ng kaibigan noong nabubuhay pa ito. 

Noong nabubuhay pa si Angelo ay palagi siyang kasama ni Kim pati na sa kanyang mga taping at shooting. Hindi rin siya iniwan nito noong mga panahong walang-wala pa siya.

Hindi pa kilala at sikat ang Kapuso star ay magkasama na raw sila “sa hirap at sa ginhawa” kaya naman noong namaalam ang binata ay talagang bumagsak ang mundo ng aktres.

Sa inilagay niyang caption sa ibinahagi niyang video sa IG, sinabi ni Kim na feeling niya si Angelo ang kanyang tunay na #TOTGA (the one that got away).

“Happy Birthday in Heaven bes! Mag best friend tayo pero pakiramdam ko ikaw yung #TOTGA ko. Happy Birthday in Heaven! 

“Sana happy ka na, ako din happy na ulit pero minsan hindi ko maiwasan na malungkot lalo kapag merong nangyayari na maganda sa buhay ko at naiisip ko na wala ka na. 

“Kasi iniisip ko mas masaya siguro kung kasama pa din kita na nag ce-celebrate,” pahayag ng komedyana.

Dugtong pa niyang mensahe, “Gaya ng dati, inabot ko lahat ng pangarap ko na kasama ka. Sabi mo, lagi mo ako binabantayan. Thank you my guardian angel. I love you forever bes @zach_gelzz.”

Sa mga nakaraang post ni Kim tungkol sa namatay na kaibigan, talagang mararamdaman ang kanyang pangungulila kaya naman hanggang ngayon, kahit isang taon na ang nakalilipas ay tila nagluluksa pa rin ang “Bubble Gang” comedienne.

Hindi naman nagtataka ang mga followers ng aktres kung bakit until now ay affected pa rin ito sa pagpanaw ng BFF dahil saksi raw sila sa malalim na relasyon ng magkaibigan base na rin sa mga socmed post ni Kim noong nabubuhay pa si Angelo.

Nabanggit din noon ng dalaga na marami raw hindi naniniwala na mag-best friend lang sila ng binata dahil nga sa kanilang kakaibang closeness.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending