#TodoNaTo: Rufa Mae niregaluhan ni mister ng bagong sasakyan Bandera

#TodoNaTo: Rufa Mae niregaluhan ni mister ng bagong sasakyan

Ervin Santiago |June 10,2021
share this

#TodoNaTo: Rufa Mae niregaluhan ni mister ng bagong sasakyan

Ervin Santiago June 10,2021 - 09:24 AM

“TO the highest level” ang natanggap na birthday gift ni Rufa Mae Quinto mula sa kanyang Fil-American husband na si Trevor Magallanes.

Napa-hasgtag #SanaAll ang kanyang mga fans at social media followers nang ibandera niya sa Instagram ang bonggang-bonggang regalo sa kanya ng asawa.

E, kasi nga, isang brand new car lang naman ang ibinigay sa kanya ni Trevor na talagang hindi raw niya in-expect sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Isang short video ang ipinost ng komedyana sa kanyang IG page kung saan makikitang tine-test drive nga niya ang bagong sasakyan. 

Siguradong napa-“go, go, go!” na naman si Rufa Mae nang ibigay na sa kanya ni Trevor ang bago niyang car. 

Sunud-sunod naman ang natanggap na comments at mensahe ng pagbati ng komedyana mula sa mga fans at maging sa mga kaibigan niya sa showbiz, kabilang na sina Ogie Alcasid, Vina Morales, Yasmien Kurdi, Michelle Madrigal at marami pang iba.

Sa ngayon ay nasa Amerika pa rin ang aktres kasama ang kanyang asawa at ang anak nilang si Alexandria. Aniya, siya raw lahat ang nag-aasikaso ng mga pangangailan ng pamilya dahil wala naman silang aasahang kasambahay.

Mahigit isang taon na silang naninirahan sa US matapos abutan doon ng lockdown dahil sa pandemya at sabi ni Rufa Mae, nasanay na rin siya sa sistema ng buhay doon sa kabila ng health crisis.

Sa interview sa kanya ng “Tunay Na Buhay” kamakailan, siniguro ng aktres na uuwi siya sa Pilipinas ngayong taon para asikasuhin ang ilang mga bagay na naiwan niya noong magpunta siya sa Amerika.

“Alam mo, may brand new house ako na hindi ko na nakita. Five bedrooms, ang ganda-ganda tapos wala, hindi na nauwian.

“Pero, definitely this year, uuwi ako. Gusto ko bumalik para ayusin ko ‘yung buhay ko diyan,” aniya.

Aminado naman siya na miss na miss na niya ang Pilipinas, lalo na ang mundo ng showbiz kaya siguradong kapag nabigyan siya ng pagkakataon na makalabas uli sa TV habang nandito siya sa bansa ay itotodo na niya ito nang bonggang-bongga!

Ikinasal sina Rufa Mae at Trevor noong 2016 at pagkaraan ng isang taon ay ipinanganak naman kanilang panganay na si Alexandria noong Feb. 17, 2017.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending