Pauleen na-achieve na ang pre-baby body: Hindi ko ito ginagawa para sa atensyon ng asawa ko Bandera

Pauleen na-achieve na ang pre-baby body: Hindi ko ito ginagawa para sa atensyon ng asawa ko

Ervin Santiago |June 08,2021
share this

Pauleen na-achieve na ang pre-baby body: Hindi ko ito ginagawa para sa atensyon ng asawa ko

Ervin Santiago June 08,2021 - 09:01 AM

IPINAGDIINAN ni Pauleen Luna na hindi siya nagpapaganda ng katawan para sa kanyang asawang si Vic Sotto o kahit na kaninong lalaki.

Kitang-kita ang napakalaking pagababago sa katawan ngayon ng TV host-actress na siyang resulta ng kanyang fitness program na sinimulan niya nito lang nagdaang Pebrero.

Sa Instagram post ng “Eat Bulaga” Dabarkads, ibinandera niya kanyang  selfie photo kung saan makikita ang fit na fit niyang body na resulta nga ng bago niyang healthy lifestyle.

Ngunit sa comment section ng IG post ni Pauleen ay may ilang netizens ang nambasag sa kanya. Tulad ng nagsabing, “Sige lagi kang magpaganda para sa’yo na lang attention ng mister mo.

“Pero sana ‘yung pagpapagada mo para sa mister mo lang,” hirit pa nito.

Hindi ito pinalampas ng misis ni Bossing Vic at talagang sinupalpal ang nasabing IG user, “Thanks for the concern but I’m doing this for myself. I wanna be strong and healthy, so I can live a long life for my family.

“Not doing this for my husband’s attention or for any guy for that matter.”

Kuwento pa ng misis ni Bossing Vic, na-achieve na rin niya ang kanyang pre-pregnancy body makalipas ang ilang buwang pagtutok sa kanyang balik-alindog program.

Mensahe ni Pauleen, “Hello self! Good to see you again. Back to my pre baby body (after 3 years?!?) I only started to take this fitness journey seriously in February 2021 but boy am I glad I did! 

“Lots of hard work and discipline but I’m happy that I was able to get back on track even if it took a long time! Special thanks to the people who push me to be a better version of myself!” aniya pa.

At siyempre, hindi rin niya nakalimutang pasalamatan ang kanyang asawa sa walang sawang pagsuporta at pagmamahal sa kanya.

“And many thanks to my husband who’s been so supportive! This isn’t the end of the journey because fitness is a lifelong thing! To all the mamas messaging me, thank you and take your time, do not rush and you do you!” dugtong pa ni Poleng.

Nagpakasal ang celebrity couple noong 2016 at biniyayaan nga ng isang anak — si Tali na mukhang namana rin ang pagiging komedyante ng kanyang ama.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending