Maricel umaming traditional nanay: Yan talaga ang tinatawag na hands-on mom! | Bandera

Maricel umaming traditional nanay: Yan talaga ang tinatawag na hands-on mom!

Reggee Bonoan - June 07, 2021 - 06:54 PM

AKTIBO na uli sa kanyang YouTube channel si Meryll Soriano na “Dear MamaMeme” pagkalipas nang mahigit isang taon.

Bukod sa kanyang anak na si Elijah Palanca ay naging special guest din ng aktres sa latest vlog niya ang tiyahing si Maricel Soriano o Mama Mary kung tawagin ng kanyang mga kapamilya at kaibigan.

Ang title ng episode ng vlog ni Meryll ay “Traditional Mom Maricel Soriano VS Modern Mom – Meryll Soriano.”

Hindi naman kaila sa lahat na malaki ang naitulong ni Marya sa pamangking si Meryll simula bata pa lang siya na itinuring na rin niyang anak na ipinagpapasalamat naman ng huli.

Tuwang-tuwa ang aktes nang dumating ang panganay ni Meryll na si Eli, “Nu’ng dumating si Eli, panganay na sa buhay natin. Feeling ko, e, aking anak, inaangkin ko hindi naman puwede siyempre may nanay ‘yun (sabay turo sa pamangkin).

“Tapos hindi pa tayo natapos do’n, nanganak ulit (anak nina Meryll at Joem Bascon) pagkaguwapo na naman nu’ng anak si Guido naman ang kinahuhumalingan ng lahat Dalawa na ang apo kong guwapo,” masayang kuwento ng beteranang aktres.

“Mommy 2” ang tawag ni Eli kay Marya dahil ang “Mommy 1” ay ang Lola Becbec niya na kapatid nito.

”Inggitera kasi ako, hindi pa ako handang tawaging Wowa (lola) ayaw ko pa kaya kapag tinatawag ako ni Eli ng Mommy 2, kinikilig ako.  Kaya dapat kiligin tayong mga lola kaya kahit anong hilingin, ibibigay mo,” say ni Maricel.

Sundot naman ni Meryll, “Yun nga, kaya kami nakabili ng crib ngayon kasi makapal ang mukha ko. Itinuro rin niya (Marya) ‘yan na huwag mahihiyang sabihin kung ano ang kailangan.”

Sabi naman ni Maricel, “Oo ‘wag mahihiyang magsabi pero kapag wala tayong work matuto tayong mamaluktot pero kapag may work, hala sige shopping dito, shopping doon pero hindi naman para sa akin, para sa mga babies.”

Nagulat nga raw si Joem dahil sa rami ng gamit ng anak nila ni Meryll at kung kailangan ba talaga ng ganu’n karami na sinagot naman ng aktres ng, “Siyempre!”

Naikuwento rin ni Meryll na nagmana siya ng kalinisan sa tiyahin niya lalo na ngayong may COVID-19, “Kulang na lang inumin ko ang alcohol.”

Tumawang sabi naman ni Marya, “Cleanliness is next to loveliness because oiliness is next to poverty.  Sabi nila ‘yun, hindi ko sinabi.”

At bilang traditional mom si Marya dapat daw nakabigkis ang pusod ng baby.

Dahil modern mom naman si Meryll ay walang bigkis ang anak na ayon sa kanyang pediatrician, “Kasi mas matagil mag-heal yung sugat kapag may bigkis.” At ang isa pang dahilan ay walang nagturo kasi panahon ng pandemic walang mga lolang dumalaw kay Guido, sabi ng nanay nito.

‘Yan ang sinasabi ko, dapat may nanay sa tabi,” sambit naman ni Marya.

Ang sunod na tanong ay “sleeping with the baby o not sleeping with the baby?”
Sagot ni Maricel, “Ako both kasi nu’ng ipinanganak ko si Chen hindi ako natutulog para akong nagte-taping din ng The Maricel Drama Studio kasi kapag dumede si Chen magkabila (breasfeed) tapos may formula pa, ganu’n siya katakaw. 

“Tapos (bubuhatin) igaganu’n mo para dumighay. Pag hindi dumighay, ilalapag mo na, kailangan bantayan mo kasi baka maglungad ang bata at malunod.”

Sabi rin ni Meryll, “Kasama naming matulog at take turns kami sa pagiging zombie (sa pagbabantay ng anak).”

“Lampin versus diaper?” Say ni Marya, “Lampin. Hindi puwede ang diaper kasi kapag nakawiwi na, nakababad ‘yung bata sa ihi. Kaya ako traditional ang gusto ko kasi yan ang tinatawag na hands-on mom paano kung magka-rashes ang bata at makati ‘yun. Hindi naman masabi ng bata na may rashes siya.”

At bilang modern mom, “Ako naman diaper binili ko!” 

“‘Naku, kawawa ang bata sa inyo!” hirit ni Maricel.

Ipinakita ng mommy ni Guido ang bagong istilo ng cloth diaper na may Velcro at nilalagyan ng bamboo cloth sa ilalim para hindi magka-rashes ang baby at sa gabi lang naman daw ito ginagamit. 
May isa pang ipinakita si Meryll na kahit nakailang wiwi na ang anak ay hindi basa dahil nagiging gel ito at chlorine free kaya safe gamitin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May part 2 ang vlog ng mag-tita na talagang aabangan at bagay ito sa mga first time mommy dahil marami talaga silang matututunan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending