Shooting ng 'Mission: Impossible 7' ipinahinto dahil sa Covid-19 | Bandera

Shooting ng ‘Mission: Impossible 7’ ipinahinto dahil sa Covid-19

- June 05, 2021 - 06:37 PM

Ang cctor na si Tom Cruise sa set ng  “Mission Impossible 7.” (Reuters) 

LOS ANGELES — Ipinatigil ng dalawang linggo ang filming sa Britain ng pinakahuling “Mission: Impossible” matapos na magpositibo sa coronavirus ang ilang miyembro ng produksyon, ayon sa pahayag ng Paramount Pictures nitong Huwebes.

Hindi sinabi ng movie studio kung ilan at sino ang mga na-test na positibo sa Covid-19 pero ayon sa British newspaper na Sun hindi kabilang doon ang bida ng pelikula na si Tom Cruise.

“We have temporarily halted production on Mission: Impossible 7 until June 14th, due to positive coronavirus test results during routine testing. We are following all safety protocols and will continue to monitor the situation,” wika ng Paramount sa pahayag.

Sa ulat ng Sun na base sa mga di pinangalanan na sources,  14 na myembro ng  production ang nagpositibo matapos ang shooting ng isang eksena sa nightclub. Si Tom Cruise at iba pang kasama sa set ay kailangang mag-self-quarantine sa loob ng 14 na araw.

Ang “Mission: Impossible” ay isa sa pinakamalaking prangkisa sa  Hollywood. Kabilang ang ikapitong pelikula sa serye sa mga naunang produksyon na ipinasara dahil sa pandemya. Itinigil nito ang filming sa  Venice, Italy noong Pebrero 2020.

Nagpatuloy ang shooting noong nakaraang taon sa ilang bansa tulad ng  Norway, Italy at Britain.

Ang “Mission: Impossible 7” ay nakatakdang ipalabas sa Mayo 2022.

Mula sa ulat ng Reuters
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending