Globe libreng tawag, charging at WiFi nakahanda na para sa​ mga apektado ni #Dante | Bandera

Globe libreng tawag, charging at WiFi nakahanda na para sa​ mga apektado ni #Dante

- June 02, 2021 - 04:09 PM

Globe

Nakahanda na ang Globe para tumulong sa mga residente ng mga lugar kung saan inaasahang mararamdaman ang hagupit ni #Dante.

Mayroon na ring Libreng Tawag, Charging, at WiFi ang Globe sa Borongan Public Plaza, Borongan City, Eastern Samar na bukas mula 9:00 am hanggang 5:00 pm. Naka-standby ang mga serbisyong ito para mai-deploy anumang oras sa mga lugar na maaaring mawalan ng kuryente dahil sa malakas na hangin at pag-ulan na dala ng bagyo.

Bahagi rin ng mas pinaigting na pagtugon at kahandaan sa mga kalamidad, nakaantabay na ang mga technical support personnel at maging mga kagamitan gaya ng mga generator para ipadala sa mga lugar kung saan malaki ang magiging epekto ni #Dante.

Bibigyan din ng libreng data ng Globe ang mga Globe at TM customer nito para magamit sa pag-access ng website ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at malaman ang mga paghahanda at mga anunsyo ng pamahalaan sa pananalasa ng mga bagyo.

Nanawagan din ang Globe sa lahat ng mga apektadong residente na makinig o kumuha lamang ng balita sa mga lehitimong news site at mga concerned government agency. 

Pinaalalahanan din ng kumpanya ang mga kababayan natin sa mga lugar na tatamaan ng masamang panahon na mag-imbak at maghanda ng sapat na pagkain, tubig, gamot, baterya para sa mga flashlight at radyo, kandila at i-charge agad ang kanilang mga mobile phone, tablet, laptop at iba pang mga gadget sakaling mawalan ng kuryente. 

Pinapayuhan din ng Globe na manatili muna sila sa loob ng kanilang mga bahay kung wala namang pangangailangan na sila ay lumikas sa mas ligtas na lugar.  Gayunpaman, mas mainam na rin na maghanda sila ng mga damit, first-aid kit at iba pang mga kailangan sakaling sila ay ilikas mula sa kanilang mga tahanan.

Sa pinakahuling bulletin ng PAGASA alas-onse ng umaga ng Hunyo 2, ang sentro ng bagyo ay tinantya sa hilagang-kanlurang baybayin na tubig ng Romblon, Romblon na may pinakamalakas na hangin na 65 km / h malapit sa gitna, gustiness hanggang sa 90 km / h, at central pressure na 996 hPa

Ito ay gumagalaw patungong hilagang-kanluran at maaaring dumaan malapit sa Oriental Mindoro o sa timog-kanlurang bahagi ng Batangas bago lumiko sa hilaga hilagang-kanluran at mag landfall sa Bataan ngayong gabi. Dadaanan din nito ang Zambales at Pangasinan bago lumabas sa West Philippine Sea bukas ng umaga.

Nakataas ang signal no. 2 na inaasahang magdudulot ng mapinsalang hangin sa Romblon, Marinduque, hilaga at gitnang bahagi ng Oriental Mindoro, hilaga at gitnang bahagi ng Occidental Mindoro, Batangas, Cavite, Bataan, timog-kanlurang bahagi ng Bulacan, kanlurang bahagi ng Pampanga, Zambales, kanlurang bahagi ng Tarlac, at kanlurang bahagi ng Pangasinan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang signal no. 1 naman ay itinaas sa hilagang bahagi ng Palawan, natitirang bahagi ng Oriental Mindoro at Occidental Mindoro, kanlurang bahagi ng Quezon, kanluran at gitnang bahagi ng Laguna, Metro Manila, Rizal, Bulacan, natitirang bahagi ng Pampanga, Tarlac, at Pangasinan; kanlurang bahagi ng Nueva Ecija, at katimugang bahagi ng Benguet, at La Union. Kasama rin ang Aklan, Capiz, hilagang bahagi ng Antique, at hilagang-kanlurang bahagi ng Iloilo.

Para sa karagdagang  impormasyon, sundan ang GlobeICON on Facebook o bisitahin ang  globe.com.ph para sa mga pinakabagong  #StaySafePH advisory.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending