Julia naka-survive sa matinding workout ni Gerald; nakatikim ng papuri sa netizens | Bandera

Julia naka-survive sa matinding workout ni Gerald; nakatikim ng papuri sa netizens

Reggee Bonoan |May 31,2021
facebook
share this

Julia naka-survive sa matinding workout ni Gerald; nakatikim ng papuri sa netizens

Reggee Bonoan - May 31, 2021 - 07:30 PM

“SHE Survived My Workout!” Ito ang episode vlog ni Gerald Anderson sa kanyang YouTube channel na kinunan sa kanyang private resort sa Zambales at in-upload kahapon. 

Si Julia Barretto ang tinutukoy ng aktor na tinuturuan niyang mag-workout, sa madaling salita ay  fitness coach ngayon ng dalaga ang kanyang boyfriend.

Inakala ni Julia na ipagagawa rin sa kanya ng aktor ang barbell workout nito kaya ang sabi ng aktres, “I’m doing that? Wait it’s so heavy!”

Pero ang totoo ay ang body resistance band workout lamang ang ginawa ng dalaga na nako-conscious pa dahil kinukunan siya ng video ng aktor.

“Ang pangit ng angle na ‘yan. Ha-hahaha!” ang tumawang sabi ni Julia habang nakatutok sa kanya ang kamera.

“Lahat tayo pumapangit, c’mon focus,” giit naman ni Gerald.

Ipinagawa rin sa dalaga ang 3 set ng dumbbell na sa tingin namin ay tig-10 lbs dahil hirap na hirap siya sa pag-twist mula kanan pakaliwa sabay bend.

“Last 2 na my love,” lambing naman ni Julia sa dyowa.

At dahil tumitindi na ang sikat ng araw kaya lumilim na sila at muling pinaulit ng aktor ang dumbbell workout sa aktres habang nagkukuwento.

“Sige na, baka mapagod ka sa tsika,” saway nito.

Marami pa silang ginawang workout sa vlog at pagkatapos ay nag-swimming naman sila sa pool.
“After workout and swimming, cooking time!” say ni Julia.

Hindi kaya magkasakit ang aktres dahil pagkatapos nitong mag-workout at maligo sa pool sabay luto ay hindi na siya nagpalit ng damit, meaning natuyo na ang suot niya sa katawan?

O, baka naman nagpalit din ang aktres pero kapareho lang din ng damit na hinubad ang isinuot niya? 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasamang nagluto rin ni Julia ang asawa at girlfriend ng mga kasama ni Gerald sa resort.
Samantala, pawang magaganda ang komentong nabasa namin tungkol sa pagwo-workout ng showbiz couple at dedma na raw sila sa “isaw issue” dahil sinisiraan lang daw ang magkasintahan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending