Heart nagbilad ng kaseksihan sa beach: Mukha kang 'angel mermaid' Bandera

Heart nagbilad ng kaseksihan sa beach: Mukha kang ‘angel mermaid’

Ervin Santiago |May 31,2021
share this

Heart nagbilad ng kaseksihan sa beach: Mukha kang ‘angel mermaid’

Ervin Santiago - May 31, 2021 - 01:21 PM

MAS pinainit pa ng Kapuso actress na si Heart Evangelista ang huling hirit ng summer season sa kanyang super hot bikini photos.

Proud na proud na ibinandera ng misis ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero ang angking kakinisan at kaseksihan sa pamamagitan ng social media suot ang red orange Hermès two-piece bikini.

Ilang sexy photos ang ibinahagi ng tinaguriang Kapuso Queen of Creative Collaborations sa Instagram na umani ng papuri at sandamakmak na likes at comments mula sa netizens.

Makikita sa mga litrato ang beach-ready body ng aktres habang ine-enjoy ang white sand beach kasama ang isa sa kanyang fur baby.

“Life takes you down many paths, but the best ones lead to the beach,” ang bahagi ng inilagay niyang caption sa kanyang IG post.

Ilang sandali lamang ang lumipas mula nang i-post ni Heart ang kanyang pasabog na bikini photos, libu-libong likes na agad ang nahamig nito bukod pa yan sa mga comments mula sa mga kaibigan niya sa showbiz.

Bilib na bilib sina Maja Salvador at  Ciara Sotto sa hot bod ni Heart kaya binigyan nila ng tatlong fire emojis ang post ng aktres.

Sabi naman nj Katarina Rodriguez, “You look like an angel mermaid.”

“Juiceku mas makinis pa sa face ko. Ayaw ko na,” komento naman ng dating Sexbomb Dancer na si Sunshine Garcia.

Ilang fans naman ang nagsabi na napakaswerte raw talaga ni Chiz sa pagkakaroon ng asawang almost perfect na — bukod sa maganda, sexy at mayaman ang kanyang misis at napakatalino at matulungin pa sa kapwa.

O, e, di si Chiz Escudero na ang SAKALAM! 

* * *

Malapit nang makilala ng Kapuso viewers ang makukulay na mga karakter sa upcoming GMA Afternoon Prime series na “Ang Dalawang Ikaw.”

Mas naging kaabang-abang ang serye dahil sa ipinost ng lead actor na si Ken Chan na larawan sa kanyang Facebook page bilang ang kanyang karakter na si Tyler, ang alter ego ni Nelson. 

Ito ang dalawang personalidad na gagampanan ng Kapuso actor sa serye dahil sa sakit na dissociative identity disorder.

Lalong na-excite at na-curious ang fans kung paano ang magiging atake at pagganap ni Ken sa mga karakter na ito na siguradong hahamon muli sa kanyang versatility as an actor.

Samantala, nagsimula noong Lunes (Mayo 24) ang huling cycle ng lock-in taping ng buong cast sa Bataan. Makakatambal ni Ken sa programa ang ka-loveteam na si Rita Daniela.

Abangan ang bagong Kapuso drama series na “Ang Dalawang Ikaw” na mapapanood na very soon sa GMA Afternoon Prime.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending