Barbie gusto uling makatambal si Jak sa serye: Para magkasama na ang harot at trabaho! | Bandera

Barbie gusto uling makatambal si Jak sa serye: Para magkasama na ang harot at trabaho!

Ervin Santiago |May 31,2021
facebook
share this

Barbie gusto uling makatambal si Jak sa serye: Para magkasama na ang harot at trabaho!

Ervin Santiago - May 31, 2021 - 09:26 AM

BONGGA ang guesting ng Kapuso couple na sina Jak Roberto at Barbie Forteza sa Kapuso primetime series na “Heartful Cafe” na pinagbibidahan nina Julie Anne San Jose at David Licauco.

Talagang maraming naaliw at natuwa sa mga ganap nila sa palaging trending na teleserye ng GMA lalo na ang paandar na mga eksena ng magdyowa kasama sina Julie Anne at David.

Kaya naman ang request ng JakBie fans, sana raw sa susunod ay bigyan na ng bagong TV series ang real life couple dahil miss na miss na nila ang dalawa sa mga sweet moments at mga nakakatawang batuhan nila ng punchlines.

Kung ang ibang celebrity couple ay tumatangging magsama sa isang project, ibahin n’yo si Barbie dahil mas gusto raw niyang makasama muli ang kanyang boyfriend bilang leading man sa serye.

“Tinatanong pa ba ‘yan? Well, siyempre naman, para magkasama na ang harot at trabaho,” ang humahalakhak na chika ng Kapuso Primetime Princess.

“E, kasi, kagaya niyan, hindi kami magkasama. Kasi, nagku-quarantine na siya para sa serye niya.

“Unlike kung magkasama kami sa show, puwede kaming magkasama na mag-quarantine, o di ba? Harot pala ang goal!” ang tawa pa rin nang tawang hirit ni Barbie.

Samantala, speaking of Julie Anne, sa totoong buhay ay talaga palang magkaibigan sila ni Barbie at matagal-tagal na rin silang close friends. Patunay diyan ang madalas na pagpapalitan nila ng comments sa social media.

“Oo naman! E, di magpapalitan kami ng comment sa Instagram, ‘tapos magka-text din kami.

“Tungkol din doon yung pinag-uusapan namin. Para kaming high school best friends. Dapat laging may bagong chika. Hindi puwedeng wala.

“We talk about even the most random things hanggang sa the most personal things. Iyon naman ang masasabi ko kay Julie. Parang yung friendship namin, parang hindi artista phase.

“Parang kaming dalawa, pini-figure out namin ang womanhood together. We deal with our problems together,” kuwento ni Barbie.

Kaya nang malaman sabihin sa kanya na may special guesting siya sa “Heartful Café” ay super excited siya.

“Actually, ang sinabi ko lang kay Julie, damihan niya yung baon niyang pagkain. Kasi for sure, makikikain ako sa kanya,” natatawang hirit uli ng dalaga.

“Pero hindi. Dyusko! Excited na excited ako at minessage ko siya agad.

“Sabi ko, ‘O, Julie, puwede bang maki-guest muna sa show mo? Kasi, mahina ang bentahan ngayon, e. Maraming bayarin.’

“Pati sa AOS (All-Out Sundays), noong maging regular na ako, sabi ko, ‘O, Julie ha, pasali sa show mo. Kailangan natin, e,’” aniya pa.

Ayon pa kay Barbie, enjoy na enjoy siya sa role niya sa “Heartful Cafe” bilang isang sopistakada at sosyalerang babae na may pagkamataray.

Pero sa tanong kung ano pa ang gusto niyang gampanang role sa mga susunod niya teleserye? “Wala naman pong problema sa akin kahit ano, pero kung mabibigyan ako ng chance na mag-suggest ng character, honestly, I would say, I really enjoyed my character as Cors (sa Heartful Café).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So I wouldn’t mind kung magagawa ko siya ulit for a longer period of time. Iyong mas sophisticated, mas dalaga, mataray. Pero gusto ko siyempre romcom. Para fun lang,” aniya pa.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending