Aktres hindi type ang leading man sa ginawang pelikula; magkaibang level ang utak Bandera

Aktres hindi type ang leading man sa ginawang pelikula; magkaibang level ang utak

Reggee Bonoan |May 30,2021
share this

Aktres hindi type ang leading man sa ginawang pelikula; magkaibang level ang utak

Reggee Bonoan May 30, 2021 - 05:26 PM

INAMIN ng baguhang aktres na hindi niya type ang leading man niya sa ginawang pelikula dahil hindi raw sila pareho ng level ng utak.

Yes, ito ang inamin ng aktres sa common friend namin dahil nang magkaroon ng tsansa na magkakuwentuhan sila ay kinailangan daw niyang ipaliwanag pang mabuti kung ano ‘yung ibig niyang sabihin.

Sabi ng aktres, “Magkaiba ang hilig namin kasi kaya hindi kami same wave length? Baka kapag inaral ko yung hilig niya at inaral naman niya ‘yung mga gusto ko, posibleng magkaintindihan kami.”

Dalawang beses lang daw nagkatsikahan ang aktres at leading man niya at pagkatapos noon ay mas ginusto pa nitong matulog na lang pagkatapos ng shooting nila.

Ang leading man naman ay nagkulong na rin sa kuwarto niya at naririnig na naglalaro ng Mobile Legend.

Naikuwento rin ng aktres sa kaibigan namin na type niyang kausap ang isa pang aktor dahil wala siyang ginawa kundi tumawa nang tumawa sa mga biro nito.

Sabi pa ng aktres, napakasarap daw  kausap ng nasabing aktor dahil kahit anong isyu raw o topic ay alam nito kaya nagkakaintindihan.

“Type lang kausap, hindi naman sinabing type niya as in dyowa,” sabi ng kaibigan namin.

Anyway, ang leading man ng aktres ay madali namang kausap pagdating sa pera dahil mabilis siyang maglabas kapag may nangangailangan.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending