Staff ginawang kasambahay | Bandera

Staff ginawang kasambahay

Lisa Soriano - September 04, 2013 - 05:00 AM

DEAR Aksyon Line,
I have my own engineering company, single prop. My concern is all about my employee. We are on a project basis. It was so happen na wala pa kaming project sa ngayon kaya I have to send out some of my people. May isa akong employee na niretain pero sa house namin ko siya pinag-work as kasambahay. I would like to ask DOLE if what are the consequences if I am going to pull out his allowance kasi lahat naman ng gagamitin niya sa house libre including meals and for his personal hygiene.
Ok lang ba na tanggalin ko na ang allowance niya at yong basic salary na lang ang ibigay ko sa kanya?
Medyo mabigat kasi sa akin if I will continue to give her the same salary. Please help me what to do.
Thanks.
Sheryl

REPLY: Ms Sheryl ang inyong katanungan ay saklaw ng Department Order 18-A dahil kayo ay nagkokontrata ng mga services
No diminution of benefits meaning hindi pwedeng pababain ang sweldo. At mga beni-pisyo kung ikaw ay sub-contractor at may principal, magkakaroon kayo ng kasunduan o project agreement sa ilalim ng DOLE order 18-A na dapat na ilagay ang bilang ng inyong empleyado at posisyon ng mga ito.

At kung ang kontrata mo sa iyong principal ay 1 taon, dapat din na isang taon ang kontrata mo sa mga tao mo at kailangang bayaran ng karampatang sweldo. Lahat ng benipisyo ay dapat ding ipagkaloob pero sa pagkakataong walang project o nululugi na, kailangang mong mag fill-up ng form at ibigay ang rason para sa business losses, economic conditions na makatwiran na nais na ninyong magsara at kinakailangang pirma ng regional director para sa kanyang approval.

Pero sa kaso mo Sheryl na nagtira ka ng isa mong staff at sa bahay mo pinagtrabaho, dapat mo na lamang itong i-employ bilang kasambahay, iparehistro sa SSS at sa iba pang benipisyo na dapat nitong matanggap bilang kasambahay, sangayon ay kasambahay na ang kanyang classification at ibigay ang sweldo bilang kasambahay.
Dir Nicon
Fameronag
Dir for Communications, DOLE

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City. Maaari rin kayong mag-email sa [email protected]. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending