Frankie inakusahang ‘sumingit’ para mabakunahan agad: Please my goodness gracious!
MARIING pinabulaanan ni Frankie Pangilinan ang akusasyon ng ilang netizens na binigyan siya special treatment kaya agad naturukan ng COVID-19 vaccine.
Wala raw katotohanan ang kumakalat na tsismis na “sumingit” siya sa pila at pinauna sa listahan ng mga babakunahang residente sa Makati City.
Na-bash kasi ang anak nina Sen. Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta nang mag-post sa kanyang Twitter account ng maikling video habang tinuturukan ng COVID-19 vaccine.
“When I got an asthma attack mid-PE in middle school and everybody made fun of me I swore I would get back at them one day and here we are.
“All the melodic wheezing… all those times in the ER… have prepared me for this one moment… i feel alive and invincible… my ego has reached new uncertain heights…” sabi ni Frankie sa caption.
Makalipas ang ilang araw, nag-react ang dalaga sa mga natatanggap na negatibong komento tungkol sa pagpapabakuna niya sa Makati at ipinagdiinan nga na wala siyang ginawang masama o nilabag na batas.
Mensahe ni Frankie, “Made a lighthearted quip about it and wanted to be transparent, but even that was misconstrued. Everything I’ve done for the past year has been so dramatized and It’s rly tiring guys.”
Sey pa ng anak ng Megastar, nagpabakuna siya matapos makatanggap ng text message mula sa Makati government na nagsasabing qualified siya na mabakunahan agad.
“Hi i didn’t want to make this a big deal but have y’all ever thought maybe ppl have health issues u don’t know about,” paglilinaw pa ni Frankie.
Naniniwala rin ang dalaga na tama ang desisyon niyang magpabakuna dahil aniya, “Because it’s the responsible thing to do.”
“If we all think like that how are we ever going to achieve herd immunity? and why would i post a video on a public platform if i cut in line??? pls my goodness gracious,” sey pa ng singer.
Ito naman ang mensahe ni Frankie sa lahat ng kanyang fans at social media followers, “Hope you’re all safe and healthy. And if you qualify, PLEASE get vaccinated not only for ur protection but for those around u.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.