LJ naka-jackpot kay Paolo: Grabe! Sobra-sobra ‘yung sacrifice niya para sa amin
MATINDI rin ang ginagawang sakripisyo ni Paolo Contis para sa asawang si LJ Reyes pati na rin sa kanilang mga anak, lalo na ngayong panahon ng pandemya.
Ayon kay LJ, mas napatunayan pa niya kung gaano kabuting tao at karesponsable ang Kapuso actor at sobra niyang naa-appreciate ang effort nito para sa kanilang pamilya.
“Grabe ‘yung pasasalamat ko kay Paolo na talagang siya ‘yung nagsa-sacrifice.
“I mean, sobra-sobra ‘yung sacrifice niya kasi siyempre ano ba ang trabaho namin, sobrang na-realize ko na he would shield us from anything na lagi niyang sinasabi sa akin na huwag ka nang lumabas,” ang chika ni LJ sa panayam ng GMA.
Sabi pa niya, “As in, noong umpisa ng pandemic, hindi niya ako pinaggo-grocery kasi ang point niya is ‘di natin sure pa kung saan nakukuha itong COVID-19.
“So, ayaw niya akong mag-grocery kasi ayaw ‘ya na ma-expose ako sa labas kasi ako ‘yung hinahanap ng mga bata, sa akin dikit ‘yung mga bata. As in, hindi talaga siya naggo-grocery kaya parang ako, ‘hala ano nangyari?'” kuwento ng aktres.
Patuloy pa niyang paglalahad, “Tapos noong slowly bumabalik na nga to work, lagi niya sinasabi na ‘you can stay at home.’ You have a choice and ‘yung choice na ‘yun importante’ yun sa ating babae kasi ‘yun ‘yung feeling ko nawala sa akin before.
“So ngayon, parang naa-appreciate ko na, u,y meron akong katuwang. Hindi ka na parang walang choice na kailangan ko pa lang i-risk ‘yung sarili ko na kasi isipin mo rin ‘yung mga bata.
“Mahirap sobra. Mahirap na nga to begin with maging isang nanay tapos isasabay mo pa na magpo-provide ka rin,” dire-diretso pang sey ng Kapuso star.
Samantala, talaga raw maraming nagbago sa kanya bilang babae at bilang mommy nang magsama na sila ni Paolo nang biyayaan na sila ng sariling anak.
“Magkaiba ‘yung experience ko with Aki (anak niya kay Paulo Avelino) and Summer. Siyempre, with Aki, I had no choice. I had to work kasi I also had to provide for our small family.
“With Summer, I’m so blessed that I have a choice. Kung gusto kong magtrabaho, magtatrabaho ako, kung hindi ko gusto magtrabaho, Paolo will have the choice to work,” paliwanag pa ng aktres.
Desisyon din niya na huwag munang tumanggap ng trabaho na kailangan siyang lumabas dahil ayaw niyang malayo sa dalawang anak at para makaiwas na rin sa virus.
“I haven’t done lock-in taping yet kasi medyo nahihirapan ako to comprehend because, una, for safety reasons.
“Pareho kami ng industriya ni Pao. Meron din namang mga work-from-home pero it requires us to work physically. Pwede nang umarte online. Possible na mayroong project na you can shoot sa bahay or sa Zoom.
“Pero right now, gusto ko pa rin safe ‘yung mga bata and that means, ‘yung safety nila kahit isa sa dalawa nilang magulang na ando’n para sa kanila whatever happens.
“Hindi pwedeng exposed kami pareho ni Pao so ando’n ako sa emotional side pa honestly,” paliwanag pa ni LJ.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.