Bida Man napilitang magbenta ng katawan online: Wala po kasi akong pera, alangang magnakaw ako
SINO kaya ang Bida Man na binabanggit ni Ogie Diaz sa kanyang “Showbiz Update” vlog kasama si Mama Loi na dahil daw sa kawalan ng trabaho o raket ay napilitan nang ibenta ang katawan online.
“Mga aspiring talents may kakaibang ginagawa ngayon ang laki ng mga kinikita nila,” ang bungad ni Ogie na ikinagulat ni Mama Loi.
Nagsimula raw ito sa Twitter, “Halimbawa ako, guwapo ako panay ang pa-tease ko, magpakita ng abs, pakita ng konting pubic hair tapos biglang maraming interesadong bakla sa ‘yo. Karamihan kasi mga bakla ‘yung nagme-member.
“So kunwari type nila ako mag-aalok ako, magtu-tweet ako ng mga gustong mag-member, may mga private videos ako na ise-send sa inyo kung magme-member kayo at ang bayad, P1,500 (per membership) good for 1 month.
“Sa loob ng 30 days, magpo-post ako ng ‘vidjakol’ (tawag sa nasabing video) at depende kung ilan ang trip kong (i-post). Ipo-post ko na nagsasarili ako sa private account kaya masisilip ‘yun,” kuwento pa ng talent manager at vlogger.
At dito raw nakausap ni Ogie ang nasabing Bida Man, “Nu’ng sumali si Bida Man, tinanong ko siya kung bakit mo nagawa (mag-post ng mga video).
“Ang sabi niya, ‘wala po kasi akong pera, alangan namang magnakaw ako, e, kapos na kapos po ako. Wala po akong project, pati manager ko walang maibigay na project.
“‘Ano ho gagawin ko, kailangan naming mabuhay na pamilya.’ Sa panahon ngayon (pandemya) anong bagay na trabaho na bigla kang magkakapera?'”
“So ako, una nahabag ako. Pangalawa, oo nga naman wala akong magawa kundi unawain siya kasi wala siyang pagkakakitaan. Hindi rin naman siya naiimbitahan sa Showtime at magkano lang din naman ang ibibigay ng Showtime sakaling uma-appear sila, wala rin naman mga out of town shows dahil bawal ang gatherings.
“Sari-sari ang opinyon ng mga tao roon. Bakit mo ginawa ‘yan, kahihiyan ng pamilya, anong sasabihin ng pamilya at alam na rin ng pamilya at wala na ring magawa.
“At ito ang nakakalokang tanong, ‘anong gusto n’yo, mag-adik ako? Eh dito (video), biniyayaan ako ng katawan,” kuwento ni Ogie.
Dagdag pa niya, “inuunawa natin sila kung saan sila nanggagaling lalo na kung breadwinner sila pero hindi natin ini-encourage. Ang ano kasi rito, may resibo, paano kung pagdating ng araw at magkaroon ka ng sariling pamilya makikita ‘yan ng mga anak mo tapos sa school tampulan ng tukso ‘yan. So dapat ready lang siya sa mga ganu’n in the future.”
Nagpadala kami ng mensahe kay Ogie para itanong kung sino ang tinutukoy niyang Bida Man at sabi niya ay makakausap niya ito bukas kaya abangan na lang natin kung sino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.