Lovelife hugot ni Alessandra: Kung pagkakakitaan ko heartaches ko, bilyonarya na ako!
MALALIM ang hugot ng award-winning actress na si Alessandra de Rossi sa issue ng pagiging single at sa mga taong nangnenega sa mga babaeng wala pang asawa’t anak.
Nalulungkot ang dalaga kapag nakakabasa o nakakarinig ng mga offensive at hate comments tungkol sa mga wala taong nasa tamang edad na pero wala pa ring sariling pamilya.
Sa kanyang Twitter account, sunud-sunod ang mensaheng ipinost ni Alex hinggil dito. Aniya, “BV (bad vibes) na minsan when people make you feel you’re less of a woman, bec[ause] you’re not married or you don’t have kids (yet) or a ring on your finger. Para bang. Pwede bang ito yung path namin?!”
Birong hirit pa ng aktres, “Sige, what is the essence of a woman? Malay ko! I don’t even know the essence of a man! CHOT!”
Naniniwala si Alessandra na may kanya-kanyang paniniwala at pananaw sa buhay ang bawat kababaihan sa mundo kaya walang dapat gawing pagkukumpara.
“If motherhood or getting married is the best thing that ever happened to you, I’m happy for you. I’m sure it is the happiest place to be. Pero okay naman ako sa Jollibee,” patawa pang chika ni Alex.
Dagdag pa niyang hugot, “Kanya kanyang trip lang yan. Naiiyak nga ako sa magandang sunset and it’s also the best thing for me.”
Sinagot din ni Alessandra ang ilang nag-comments sa mga tweet niya hanggang sa mapag-usapan mga ang tungkol sa cheating o panloloko ng dyowa.
“Btw cheating will never be justified. There is no excuse. You are free to leave kung di ka happy. But a problem between two people, should remain between two people.
That was my point. Sorry if it sounded shallow. We see things as we are, keep that in mind,” paliwanag ng aktres.
Ilang netizens naman ang nagkuwento ng mga naging karanasan nila sa kanilang ex-dyowa matapos silang maghiwalay at karamihan sa kanila ay nabiktima ng paghihiganti.
Sey ni Alessandra, “An ex who gains pleasure from shaming after a breakup is a psycho. Beware.
Everyone makes mistakes. But getting even.. that’s cold-hearted behavior. Ingat!
“So true…I hate it pag may nakikita or nababasa ako na nagsisiraan after the breakup. Kasi naman i’m sure for once naging masaya naman kayo sa isa’t isa,” pagsang-ayon sa kanya ng isang Twitter user.
May isang netizen naman ang nagkomento sa sinabi ni Alex, “LOL. Calling someone a psycho for shaming an ex and at the same time defending a cheater by simply saying that ‘everyone makes mistakes’ shows how shallow your mind is.”
“Salamat. Hindi kasi natin alam ang reason for cheating so it’s hard to say. Baka may violence involved? Who knows. But seeking revenge is different story. May pinasamahan kayo. A mistake will never correct another mistake. And that’s how shallow the world is. Welcome to the club!” paliwanag naman ni Alex.
Isa pang lovelife hugot ni Alex, “Kung pagkakitaan ko heartaches ko, bilyonarya na ako. But putting other people in a bad light will never make me the better person.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.