'Prima Donnas' star Elija Alejo 10 years na sa showbiz; Ate Guy muling magpapaiyak sa #MPK | Bandera

‘Prima Donnas’ star Elija Alejo 10 years na sa showbiz; Ate Guy muling magpapaiyak sa #MPK

Ervin Santiago |April 29,2021
facebook
share this

‘Prima Donnas’ star Elija Alejo 10 years na sa showbiz; Ate Guy muling magpapaiyak sa #MPK

Ervin Santiago - April 29, 2021 - 09:36 AM

EMOSYONAL ang Kapuso teen actress na si Elijah Alejo sa kanyang recent guesting sa online show ng Artist Center na “Hangout” kung saan siya nag-celebrate ng ika-10 anibersaryo sa showbiz.

Nagsimula siya noong 2010 sa GMA fantasy series na “Kaya ng Powers” at simula noon ay sunud-sunod na ang kanyang mga proyekto sa Kapuso Network.

Nagpaabot din ng pagbati ang “Prima Donnas” co-star at malapit na kaibigan ni Elijah na si Althea Ablan para sa kanyang 10th anniversary sa showbiz.

“I’m so proud of you Eli, grabe. Ten years. Siyempre, congrats sa ‘yo. And 10 years, milestone ‘yun.

“Sobrang proud ako sa ‘yo dahil madami kang nai-inspire. Continue inspiring others and best wishes para sa ‘yo. Galingan mo pa lalo,” sabi pa ni Althea.

Taos-puso namang nagpasalamat si Elijah kay Althea at sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa kaniyang talento.

“Thank you for surprising me. Thank you sa message and sana magkita na tayo ulit. Masyado akong na-touch. Thank you kasi lagi kang nandiyan para sa akin,” mensahe naman ni Elijah sa kaibigan.

In fairness, isa si Elijah sa mga youngstars ng GMA na sinasabing next important stars sa mundo ng showbiz dahil sa husay nitong umarte. Bida-kontrabida ang imahe ngayon ng dalagita tulad ng ipinakita niya sa “Prima Donnas.”

Kamakailan lang ay napanood si Elijah sa top-rating series na “I Can See You: The Lookout” na gumawa ng history sa GMA bilang highest-rating na episode ng nasabing Kapuso mini-series.

* * *

Muling tunghayan ang natatanging pagganap ng Superstar na si Nora Aunor bilang isang caregiver sa “Magpakailaman” episode na pinamagatang “Ang Sakripisyo ng Isang Ina: The Nancy Cañares story” ngayong Sabado (May 1).

Simple at masaya ang buhay ng mag-asawang Nancy (Nora) at Tony (Ricky Davao). Subalit, isang matinding pagsubok ang dumating sa kanilang buhay nang inatake sa puso si Tony at naospital.

Dahil patuloy na nababaon sa utang at nagrebelde pa ang isa sa kanilang mga anak, kinailangan ni Nancy na magtrabaho bilang caregiver.

Dahil sa husay sa trabaho, inalok siya ng kanyang mayamang amo at pasyente na sumama sa ibang bansa.

Iwanan nga kaya ni Nancy ang kanyang asawa, anak, at apo kapalit ng mas malaking pera sa ibang bansa?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin ang espesyal na pagganap ni Ms. Nora Aunor sa “#MPK” ngayong Sabado, 8 p.m. sa GMA.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending