Kim nag-react sa pasabog na love scene nina Jerald at Sunshine sa 'Kaka', porn movie na nga ba? | Bandera

Kim nag-react sa pasabog na love scene nina Jerald at Sunshine sa ‘Kaka’, porn movie na nga ba?

Ervin Santiago |April 27,2021
facebook
share this

Kim nag-react sa pasabog na love scene nina Jerald at Sunshine sa ‘Kaka’, porn movie na nga ba?

Ervin Santiago - April 27, 2021 - 09:20 AM

NILINAW ni Jerald Napoles na hindi naman “porn” ang bago niyang pelikulang “Kaka” kung saan kasama niya si Ion Perez at ang baguhang sexy star na si Sunshine Guimary.

Totoong mapangahas at palaban ang mga love scenes na ginawa nila sa pelikula pero hindi naman daw sila umabot sa puntong tatawagin na silang mga “pornstar”.

Sa ginanap na virtual mediacon para sa “Kaka”, natanong si Jerald kung ano ang reaksiyon ng girlfriend niyang si Kim Molina tungkol sa mga love scene nila sa movie ni Sunshine na talaga namang walang arte-arte sa hubaran.

“Honestly speaking, siyempre girlfriend has to react regarding sa mga ganitong bagay, so medyo naging uncomfortable si Kim lalo na nu’ng malaman niya yung mga gagawin.

“It’s a sex comedy. Maski naman ako, hindi ko ine-expect na mapupunta ako sa ganitong linya,” pag-amin ng aktor.

Kinausap naman daw sila ng kanilang direktor na si GB San Pedro tungkol sa mga kukunang love scene, “Nakausap namin si Direk GB, sinabi naman niya kung ano yung vision niya regarding sa pelikula.

“Actually, detalyado. Kailangan malaman kapag ganyan so dinetail naman ni Direk GB na eto yung choreography, eto yung editing niyan, dito yung camera, tayo-tayo lang dito.

“Nu’ng nalinaw na kung ano yung vision, naging kumportable kahit paano, and then sinuportahan naman ni Kim kung ano yung kaya kong gawin para sa pelikula,” paliwanag ni Jerald.

Pag-amin pa ng komedyante, “Oo, steamy yung love scene at hindi lang naman kay Kim, pati sa akin, kailangan idetalye. Pati mismo kay Sunshine kasi sabi nga ni Direk GB, ‘Hindi naman tayo magsu-shoot ng porn.’

“So meron siyang artistic approach, kailangan lang malaman bilang artista kung saan papunta yung vision ng direktor para lang alam namin bilang kami ang gagawa ng choreo, blocking, at pakiramdam ng eksena para magtugma rin with the director,” sey pa niya.

Bukod kay Jerald, isa pa sa mga leading man ni Sunshine sa “Kaka” ay ang boyfriend ni Vice Ganda na si Ion Perez.

Inamin naman ng baguhang sexy star na may pagkakaiba ang atake ng love scene niya sa dalawang aktor.

Aniya, “Nag-enjoy ako kay Jerald, nabitin kay Ion. Nabitin kay Ion kasi medyo limited yung mga bagay. Nag-enjoy kay Jerald kasi siguro pareho kaming open sa lahat ng bagay.”

Kasama rin sa movie sina Gina Pareño, Rosanna Roces, Maui Taylor, Jackie Gonzaga, Debbie Garcia, Juliana Parizcova, Andrea Del Rosario, Giselle Sanchez, Sheree Bautista, Lander Vera-Perez, Josef Elizalde, Pio Balbuena, Billy Villeta, Yuki Sakamoto at Minnie Nato, with special participation of Janine Teñoso, Marion Aunor and Ronnie Liang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Kaka” sa VivaMax simula sa May 28.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending