Pa-birthday ni Angel, community pantry sa QC: Bilang pagpupugay sa bayanihan ng mga Filipino!
KAARAWAN ni Angel Locsin bukas, Abril 23, at bilang bahagi ng kanyang selebrasyon ay magtatayo rin siya ng community pantry para sa mga kinakapos nating mga kababayan.
Itatayo ito ni Angel sa Titanium Commercial Building, 36 Holy Spirit Drive, corner Don Matias St., Don Antonio Heights, Brgy. Holy Spirit, Quezon City mula 10 a.m. hanggang 4 p.m..
Ayon sa Instagram post ng aktres, “Bilang pagpupugay sa bayanihan ng mga Pilipino at sa mga nagtayo ng mga community pantries sa iba’t ibang bahagi ng bansa natin, I decided to celebrate my birthday tomorrow (Biyernes) by putting up a community pantry here Titanium Commercial Building, 36 Holy Spirit Drive, corner Don Matias St., Don Antonio Heights, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.
“From 10am-4pm or until supplies last 🙂 Anyone is welcome. But please make sure to follow protocols. Salamat po! Volunteers have been tested,” mensahe pa ng aktres.
Base sa video post ng aktres sa kanyang Instagram account ay mga itlog, condiments, asukal at kape ang ilan sa mga mapapakinabangan sa kanyang ise-set-up na community pantry.
Galing naman sa ineendorso niyang Rhea ang vitamins C with zinc, alcohol at Arle organic milk at cream cheese.
Ilang minuto palang ipinost ni Angel ang announcement niyang ito ay umabot na kaagad sa 21,000 ang nag-like at mahigit 1,000 naman ang nag-comment at binabati siya ng maligayang kaarawan. Kabilang na riyan ang mga kaibigan niya sa showbiz.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.