Ogie: Mahal na mahal kita Regine... sunod kay Hesus, ikaw ang buhay ko! Bandera

Ogie: Mahal na mahal kita Regine… sunod kay Hesus, ikaw ang buhay ko!

Ervin Santiago |April 22,2021
share this

Ogie: Mahal na mahal kita Regine… sunod kay Hesus, ikaw ang buhay ko!

Ervin Santiago | April 22,2021 - 04:09 PM

MULING pinakilig ng singer-songwriter na si Ogie Alcasid ang kanyang misis na si Regine Velasquez na nagse-celebrate ng kanyang 51st birthday ngayong araw, April 22.

Nag-share si Ogie ng isang video sa kanyang Instagram account kung saan makikita ang mga sweet moments nila together ng nag-iisang Asia’s Songbird.

Kalakip nito ang madamdamin niyang pagbati sa kaarawan ng kanyang pinakamamahal na misis at nanay ng nag-iisa nilang anak na si Nate.

“Ngayong araw ay kaarawan ng mundo (earth day) at kaarawan din ng aking mundo.

“Ang mga pagkakataong ito na tayong dalawa ang magkasama lagi ay di ko maipagpalit sapagka’t kahit minsan na tayo ay may munting tampuhan, lalo pag nag uumapaw ang pag-ibig ko sa yo,” ang bahagi ng caption ni Ogie sa kanyang IG post.

Dugtong pa niyang mensahe para kay Regine, “Dasal ko na lagi kang may kapayapaan sa iyong puso at damdamin kahit na ang mga misteryo at tila kaguluhan ng buhay ay kadalasan na nakapanghihina.

“Katatagan ang hiling ko sa Diyos para sa yo mahal, sapagka’t marami pa ang maiiambag mo sa ating sining at sa mga mang-aawit at musiko na nangangarap na maging tulad mo.

“At sana’y mapanatili mo ang kaligayahang taglay mo lalo pa’t alam mo na ang daan, katotohanan at buhay na walang hanggan ay nanggagaling sa ating Panginoon at tagapagligtas.

“Mahal na mahal kita Regine. Sunod kay Hesus, ikaw ang buhay ko. Happy bday my love,” ang hirit pang message ng TV host-comedian.

Bukod dito, ipinost din ni Ogie sa IG ang maikling video kung paano nila sinorpresa ni Nate ang Songbird.

Mahigit 10 taon nang nagsasama bilang mag-asawa. Ikinasal sila noong Dec. 22, 2010 sa isang private ceremony sa Batangas at biniyayaan nga ng isang anak.

Matatandaang noong 10th wedding anniversary ng celebrity couple, nag-release sila ng kanta na may titulong “Hope” bilang regalo na rin nila sa kanilang mga supporter.

“As my wife and I celebrate our 10th year wedding anniversary, we want to share with you God’s goodness in our union with the very gift that He gave us—our love for music. God bless you and we love you all,” ang mensahe ni Ogie kay Regine sa kanilang ika-10 anibersaryo.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending