Toni kabaligtaran ni Alex; sinagot ang paratang na 'she's too fake' | Bandera

Toni kabaligtaran ni Alex; sinagot ang paratang na ‘she’s too fake’

Ervin Santiago - April 22, 2021 - 09:49 AM

AMINADO si Toni Gonzaga na magkaibang-magkaiba talaga sila ng ugali at ilang pananaw sa buhay ng kanyang kapatid na si Alex Gonzaga.

Ayon sa TV host-actress, kung gaano kakikay at kaingay si Alex  kabaligtaran naman siya ng mga ito kasabay ng pagsasabing bata pa lang ay may pagka-introvert na ang personalidad niya.

Sa chikahan nila ni G3 San Diego, ibinahagi ni Toni kung paano niya napapanatili ang kanyang wholesome image sa harap at likod ng mga camera, lalo na ngayong may sarili na rin siyang pamilya.

Unang-una, nais niyang pasalamatan ang mga magulang dahil napalaki sila nang maayos ni Alex, “That part, I have to give the credit also, or maybe 80% of the credit, I would like to give it to my parents.

“Hindi siguro magiging ganito o maayos ako as a person and as an artista kung hindi rin sa guidance nila. And ‘yung Daddy ko din kasi magaling mag-brainwash, eh.

“Lagi siyang nananakot. Lagi ‘yan. Naku, ang pambi-brainwash niyan! Parang ‘if you do this, ganito mangyayari,’” sey ng misis ni Direk Paul Soriano.

Patuloy pa niyang kuwento, “I don’t know if you’re familiar with my story of how I got into to the business na it was really that easy naman when I got into the business.

“It took so many years I guess siguro mga 8 or 9 or 10 years. It was road to forever before I was able to get into the business,” lahad ng TV host-actress at singer.

“So ‘yung struggle na ‘yun, lagi kong binabalikan ‘yun. Na ang hirap kong nakapasok and one wrong decision, one mistake, parang everything…. (masisira agad). ‘Di ba sabi nila it takes 20 years to build something and it takes five seconds to ruin it,” diin pa ni Toni.

Dugtong ng TV host na isa na ring vlogger ngayon, “And siguro dahil introvert ako, ang mga introvert kasi they are thinkers, eh. We don’t say much when we’re with people, but there’s so much going on in here.

“We process so many things in our heads na before we talk, before we speak, before we make a decision, ay grabeng filter na ang inabot niyo dito,” paliwanag niya.

Kung maraming nagsasabi na sobrang diretso at honest ni Alex dahil sa pagiging totoong tao nito, inilalarawan naman siya ng ibang tao na “too fake”.

“Parang ang laging comparison sa amin ni Alex, ‘si Toni she’s so careful. Parang she’s too fake. Bilang ang mga kilos niya.’ Pero ganu’n talaga ako as a person.

“Kahit nu’ng bata pa talaga ako ganu’n na talaga ako. Lagi akong nag-iisip na ‘Oh, kapag ginawa ko ‘to, baka ganito ang mangyari, o baka ganyan,'” esplika pa ng Kapamilya star.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Katwiran pa niya, “Tsaka trait ‘yun ng isang introvert. ‘Pag may kilala kayong introvert, kausapin niyo, ganu’n talaga ang mga introverts. Ang mga extroverts, parang study now, pay later. Gagawin ko na ngayon, tsaka ko na pagbabayaran ‘yan.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending