Mikee, Kelvin nag-usap nang masinsinan bilang loveteam; nagkasundo sa 'relasyon' | Bandera

Mikee, Kelvin nag-usap nang masinsinan bilang loveteam; nagkasundo sa ‘relasyon’

Ervin Santiago |April 22,2021
facebook
share this

Mikee, Kelvin nag-usap nang masinsinan bilang loveteam; nagkasundo sa ‘relasyon’

Ervin Santiago - April 22, 2021 - 09:44 AM

WISH at dasal ng mga fans, sana’y sina Mikee Quintos at Kelvin Miranda na ang magkatuluyan sa tunay na buhay.

In fairness, talaga namang nag-uumapaw sa kilig ang tambalan ng Kapuso loveteam na sinubaybayan ng milyun-milyong viewers sa hit GTV series na “The Lost Recipe.”

Simula nga nang gumanap sina Mikee at Kelvin bilang Apple at Harvey sa “TLR”, umaasa ang kanilang mga supporters na mauuwi rin sa totohanan ang kanilang tambalan.

Sa panayam ng GMA, nagbigay ng update sina Mikee at Kelvin sa estado ng kanilang tambalan kung saan sinabi nila na hindi naman sila nakararamdam ng pressure sa hiling ng kanilang mga fans.

“Parang hindi naman, kasi alam naman natin kung nasaang stage tayo e, ‘di ba?

“Magkakaroon ka lang naman ng pressure once na hindi mo alam kung nasaan ka. Pero once na alam mo at naiintindihan mo ang mga nangyayari wala e, masaya ka lang. Magiging masaya ka,” pahayag ni Kelvin.

Sey naman ni Mikee, “There’s no pressure naman because I am happy at kinikilig ako na nakikita nila ‘yun. That means we may be doing something right.”

Diin ng Kapuso actress, ang mahalaga sa kanila ngayon ni Kelvin ay ang mapasaya at mapakilig pa nang bonggang-bongga ang lahat ng nagmamahal sa kanilang tambalan.

“For a loveteam parang kung tinatanggap ang isang loveteam in that way I think we’re doing our jobs right. But it doesn’t feel like we’re working so ‘yun ‘yung best gift doon, na okay kami sa isa’t isa at na-e-enjoy namin ang trabaho together. Doon muna tayo ngayon,” chika pa ni Mikee.

At knows n’yo ba na nag-usap nang heart to heart ang dalawang Kapuso stars bago nila simulan ang trabaho bilang partners on screen?

“Noong first meeting namin in-explain ko sa kanya, nag-usap talaga kasi kaming dalawa talagang masinsinan. Na Kelvin ano ba, Mikee ano ba, parang ganu’n. Para maintindihan natin ang mga bagay-bagay, i-try natin i-justify,” sabi ng binata.

Ang katwiran pa ni Kelvin, baka raw kapag inisip nila na totohanin ang kanilang relasyon ay baka makasama lang sa kanilang tambalan at pagiging espesyal na magkaibigan.

“Kasi, ‘di ba once na iniisip natin ‘yung relationship, puwedeng mawala? ‘Yun ‘yung magkakaroon tayo ng samaan ng loob. Hindi natin maiiwasan yun e, kasi tao tayo.

“Sasabihin natin hindi, mature naman tayo but maaaring magkaroon ng lamat ‘yung ginintuang pagsasama natin na ganito na wala namang something but merong kuryente. May spark kahit na sabihin natin hindi pa tayo doon,” aniya pa.

Sey naman ni Mikee, kusa na lang lumalabas ang spark at magic kapag magkasama sila ni Kelvin lalo na kapag magkaeksena sila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Napi-feel namin ‘yun e, it’s kinda like magic. I think it’s where the magic comes from din na hindi kami nagpapa-pressure,” katwiran ng dalaga.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending