Nanay ni Xian todo pasalamat kay Kim: Seeing him happy is more than what a mother could ask for Bandera

Nanay ni Xian todo pasalamat kay Kim: Seeing him happy is more than what a mother could ask for

Ervin Santiago |April 20,2021
share this

Nanay ni Xian todo pasalamat kay Kim: Seeing him happy is more than what a mother could ask for

Ervin Santiago April 20, 2021 - 02:35 PM

KUNG kinilig nang bonggang-bongga si Kim Chiu sa mala-wedding vow na birthday message ni Xian Lim sa kanya kahapon, super touched naman siya sa naging mensahe ng nanay ng kanyang boyfriend.

Talagang nag-post din ang mommy ni Xian na si Mary Anne ng kanyang mensahe sa social media para batiin si Kim sa kanyang kaarawan.

Sa pamamagitan Instagram, ibinahagi ng nanay ng aktor ang message niya para sa 31st birthday ng kanyang future daughter in law.

“Dearest Kim, Happy Birthday! Thank you for coming into Xian’s life.

“You give him happiness and love. Seeing him happy is more than what a mother could ask for,” sey ni Mrs. Lim.

Isang maikli ngunit punumpuno naman ng emosyon ang naging reply sa kanya ni Kim. Anang dalagang aktres, “Thank you tita. This is so sweet!”

Samantala, bukod sa mahabang birthday message para sa kanyang girlfriend, ibinahagi rin ni Xian sa IG ang isang video clip kung saan mapapanood kung paano niya sinorpresa si Kim sa special day nito.

Bukod sa bulaklak, may pa-balloons din ang binata para sa dyowa na may nakasulat pang “I love you”. Kitang-kita namang nasorpresa si Kim sa regalo ni Xian sabay yakap at kiss sa pisngi nito.

In fairness, maraming pinakilig si Xian sa mga sinabi at ipinangako niya kay Kim bilang tanda ng kanyang abot-langit na pagmamahal niya sa Kapamilya actress-host.

“I love you so much Kim, always remember that. Through thick and thin, through ups and downs, know that I’ll always be here loving you every day, every hour and every second,” ang bahagi ng mensahe ni Xian.

Sabi pa ng aktor, “Naaalala ko pa nu’ng first date natin, you told me that you’re worried that what we have might not last because of this crazy world we live in.

“Naysayers had their own versions of what they think we have. So many doubts, so many people trying keep us apart. Many years later, nandito pa rin tayo para sa isa’t isa, nagmamahalan na parang walang bukas,” sabi pa ng boyfriend ni Kimmy.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending