Kris namigay ng pera sa mismong kaarawan ni Bimby; James may pa-throwback paandar sa anak Bandera

Kris namigay ng pera sa mismong kaarawan ni Bimby; James may pa-throwback paandar sa anak

Ervin Santiago |April 19,2021
share this

Kris namigay ng pera sa mismong kaarawan ni Bimby; James may pa-throwback paandar sa anak

Ervin Santiago | April 19,2021 - 02:17 PM

SA pamamagitan ng isang throwback photo, binati ng basketball superstar na si James Yap ang anak na si Bimby na nagse-celebrate ng kanyang birthday ngayong araw.

Ipinost ng ex-husband ni Kris Aquino ang lumang litrato nila ng anak sa Instagram kalakip ang kanyang maikli ngunit punumpuno pagmamahal na birthday message.

“HAPPY 14th Birthday Bimb. I Love you no matter what! Wishing you all the best that life can offer. God bless you,” ang caption ng PBA (Team Rain or Shine) player sa kanyang IG post.

Alam naman ng lahat na madalang na magkita ang mag-ama kaya karamihan sa mga nag-comment na netizens ay nagsabing sana raw ay magbigyan uli sila ng pagkakataon na makapag-bonding nang bongga-bongga.

Kamakailan lang, naging laman ng headline si Bimby pati na ang kapatid niyang si Joshua matapos mabiktima ang mga ito ng pambu-bully sa social media.

Ito ang dahilan kung bakit nagdesisyon si Kris na limitahan na ang pagpo-post ng mga kaganapan sa buhay nilang mag-iina para makaiwas na rin sa kanegahan sa socmed.

Nauna rito, binuweltahan din ni Kris ang lahat ng mga gumagawa ng fake news tungkol sa dalawang anak, “In a span of a week, my children have been used to trigger me.

“Kuya Josh, with zero factual basis, was said to have impregnated a girl. Bimb has been repeatedly targeted with bullying because people are insisting he is gay.

“Regarding Kuya Josh, name us and show us the girl. About Bimb, he is 13 years old. I know my son doesn’t identify as being gay, BUT in the event he ever does, he will still be my son.

“The bullying you are doing is a reflection of your homophobic attitudes that are no longer welcome in 2021,” lahad ng Queen of All Media.

Dagdag pa niya sa isang post, “Hindi na natin kasalanan kung ano ‘yung magiging opinion nila about you, but what’s important is you know who you are and you’re not going to be like them. I brought up a son who is brave.”

Sa isa namang video message sinabi ng TV host na hindi na siya masyadong magse-share sa publiko ng mga nangyayari sa kanilang buhay, “They will have enough privacy, but you cannot see them as often as you used to.”

Samantala, sa Facebook page naman ni Kris, namimigay siya ng P10,000 para sa 21 masuswerteng followers bilang bahagi ng 14th birthday celebration ni Bimby.

Habang isinusulat namin ang balitang ito, tatlong FB users pa lang ang nananalo ng sampung libo na talaga namang nakatutok lagi sa socmed accounts ni Tetay.

Last year, sa Puerto Galera nagdiwang ng kanyang kaarawan si Bimby dahil doon sila inabutan ng enhanced community quarantine dulot ng COVID-19.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending