Aleck Bovick kay Yam Concepcion: Unkabogable siya kasi sexy talaga! Iba! | Bandera

Aleck Bovick kay Yam Concepcion: Unkabogable siya kasi sexy talaga! Iba!

Ervin Santiago |April 16,2021
facebook
share this

Aleck Bovick kay Yam Concepcion: Unkabogable siya kasi sexy talaga! Iba!

Ervin Santiago - April 16, 2021 - 01:35 PM

PURING-PURI ng dating sexy actress na si Aleck Bovick ang Kapamilya star na si Yam Concepcion, ang lead star sa bagong drama series ng ABS-CBN na “Init Sa Magdamag.”

Ibang-iba raw kasi ang dating nito sa likod ng camera at kapag humarap sa screen, lalo na kapag nagpaseksi na at sumabak sa pagdadrama at pagpapakilig.

“Si Yam unkabogable siya kasi sexy talaga siya. Ang ganda ng mukha niya na kahit anong makeup ang gawin mo sa kaniya, kahit anong hair ang gawin mo sa kanya, maganda talaga siya,” paglalarawan ni Aleck kay Yam.

Isa si Aleck sa magiging supporting cast ng “Init Sa Magdamag” na pinagbibidahan din nina Gerald Anderson at JM de Guzman at huli siyang napanood sa hit afternoon drama na “Kadenang Ginto.”

“Yung pagpapa-sexy kasi niya mas elegant na ngayon, mas cute na tingnan kayo compare du’n sa panahon namin,” dagdag pa niyang sabi patungkol kay Yam.

Samantala, todo naman ang pasasalamat ng character actress sa Kapamilya Network dahil kahit may pandemya at tinanggalan ng prangkisa ay binibigyan pa rin siya ng mga trabaho at karaketan.

“Hopefully huwag pong magsawa ang ABS na kunin po ako sa iba’t ibang mga shows. Sobrang nakaka-humble kasi sa dami ng mga actors natin sa ating bansa, isa ako sa nakikita nila,” pahayag ni Aleck.

At dahil nga sa maiinit na eksena at tema ng nasabing serye, kabilang na ang mga love scenes nina Yam at Gerald pati na ang mga halikan at sex scenes nina Yam at JM, Rated SPG ito ng MTRCB.

Mapapanood ito sa TV5, A2Z Channel 11, Kapamilya Channel, Jeepney TV, Kapamilya Online Live, and iWant TFC; as well as WeTV at iflix.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending