Aleck Bovick may pasabog sa totoong gender identity

Screenshot
INAMIN ng dating sexy star na si Aleck Bovick na kamakailan lang nang malaman niya ang kanyang tunay na identity.
Sa kanyang naging guesting sa isang episode ng “Lutong Bahay” ay ibinahagi niya na bago siya umedad ng 40 ay pumasok sa isip niya niya na tila may kulang sa kanyang buhay.
“Hindi ko alam ano ‘yun, so para kang hinahanap mo, anong mali, parang may kulang, tapos ayun na. ‘Yun na,” saad ni Aleck.
Mas inusisa namang ng “Lutong Bahay” host na si Mikee Quintos ang dating sexy star.
Baka Bet Mo: Aleck Bovick kay Yam Concepcion: Unkabogable siya kasi sexy talaga! Iba!
Dito ay inamin ni Aleck na mayroon siyang partner at parte rin siya ng makulay na LGBTQ community.
“Yes, nasa LGBT world tayo ngayon,” matapang na pag-amin ng dating aktres.
Noong una raw ay nahirapan siya na aminin ang katotohanan kung ano talaga ang kanyang nararamdaman.
“Nung una, yes. Totoo ba? Tanda ko na ha, ano na lang sasabihin nila? Paano ‘yung ganito, totoo ba ‘to, mako-confirm ko ba sa sarili ko?” lahad ni Aleck.
Pagpapatuloy pa niya, “Tapos parang sabi ko, ‘Eh kiber. Kung ganito talaga ako, kailangan ‘kong tanggapin, kailangan ko siyang i-accept.'”
Giit pa ni Aleck, deserve niya ang maging masaya sa buhay.
“You deserve it. I think after everything that you went through, it’s about time na kayo naman ang masaya, na ma-feel niyo naman ‘yung love na binibigay niyo sa iba,” segunda naman ni Mikee.
“Hindi ka naman selfish kapag pinili mo rin namang mahalin ‘yung sarili mo,” sagot naman ni Aleck.
Ibinahagi rin ng dating sexy star na bukod sa pagiging aktres ay pinangarap nitong maging sundalo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.