Ivana umaming nagiging wild pag lasing; namigay ng pera habang bangenge sa vlog | Bandera

Ivana umaming nagiging wild pag lasing; namigay ng pera habang bangenge sa vlog

Reggee Bonoan |April 12,2021
facebook
share this

Ivana umaming nagiging wild pag lasing; namigay ng pera habang bangenge sa vlog

Reggee Bonoan - April 12, 2021 - 09:30 AM

NAKAKAALIW palang malasing si Ivana Alawi dahil maraming mabubuko tungkol sa kanyang personal na buhay — at kaya pala nagagalit ang nanay niya kapag umiinom siya.

Nitong Linggo ng gabi ay in-upload ni Ivana ang “Never have I ever” challenge nila ng kapatid na si Hash Alawi at kapag hindi nasagot ay iinom ng isang shot ng alak.

“First time ko ‘to mata-try (iinuming alak),” saad ni Ivana.

Sa unang tanong na “Never have I ever cheated on my partner”, “Never, never ako. Sila ‘yung nag-cheat sa akin,” tumawang sabi ng sikat na YouTuber.

Gayun din si Hash, wala rin siyang dinayang karelasyon.

Napainom naman si Ivana sa tanong na “Never have I ever drunk called an ex,” “Ako lang ba gumagawa no’n?  (hindi rin kasi ginawa ng kapatid niya).

Dinrunk text ko, dinrunk call, dinrunk video call. Maraming drunk pero hindi ko siya pinuntahan,” pagtatapat ng dalaga at sabay inom saka bumulong ng, “hindi na kita tatawagan.”

Inamin din ng sexy star na wild siya kapag nalalasing noon (kabataan niya) pero hindi pa naman daw siya nakulong, “Makulit ako pero never ako nag-cause ng gulo, o hindi ako nagkagulo o never ako naging magulo.”

Aminado rin siyang gumamit ng dating app, “Gusto ko lang nang may ka-chat pero never akong nakipagkita.”

Sumunod na tanong, “Never have I ever dated a celebrity,” “Hindi kami nagkatuluyan,” sabi ni Ivana na halatang tipsy na.

Sa puntong ito, dumating bigla ang mama niya at tinanong kung ano ang ginagawa nila dahil ang aga-aga pa ay umiinom na silang magkapatid.

“Senglot ka na?” tanong ng mama ni Ivana sa kanya.

Tumawa nang husto ang dalaga habang kumakain ng French fries. At walang nagawa ang magkapatid dahil kumuha ng upuan si mader at binantayan sila.

“Ma, hindi na kami bata puwede na kami uminom saka dating responsible na ako,” protesta ni Ivana.

Binigyan ang dalaga ng burger para may makain habang umiinom dahil ang bilis nitong malasing na inakalang walang laman ang tiyan.

“Hindi ako nagsu-support sa nag-iinuman, siyempre hindi kayo kumain gusto n’yo bang damputin ko kayo sa kangkungan,” katwiran ng ina ng magkapatid.

Hirit ng panganay sa magkapatid na Alawi, “Ma, hindi kami makainom pag nandito ka!”

“Huwag n’yo akong pansinin, dito lang ako,” saad ng ina.

Nabanggit ni Ivana na nakatikim na siya ng mag-asawang sampal mula sa nanay dahil umuwi siyang lasing, “Sabi ko, good morning ma.”

“Wala siyang alam na sinampal ko, dinedma ako,” tsika ng mama nila.

At nabuking na kinain pala ni Ivana ang poop niya noong bata siya sa tanong na, “Never have I ever eaten something exotic.”

“Wala. Hindi naman ako kumakain ng exotic,” sagot ng dalaga,

“Hindi ba exotic ‘yung brown na when you’re a baby?” tanong ni Hash sa ate niya.

“Huwag kang ganyan naka-video ‘yan!” nanlalaki ang mga matang sita ni Ivana sa kapatid.

Napainom ulit si Ivana sabay sabing, “Gusto ko lang ipaliwanag na hindi ako kumakain ng exotic food.  Mama ko kasi pinakain ako ng tae ko! Ha-hahahaha!”

“Gulat ako tinikman mo,” sabi naman ng nanay nila.

Balik-tanaw ni Hash, “When you’re 2-3 years old, (nagpupu) ka sa orinola tapos pagkita namin sinusubo mo na kaya tumakbo kami tinawag namin si mama tapos pagbalik namin (kumakain na).”

“Wag naman sinusubo baka sabihin inubos ko ‘yung ano ko,” sambit ng aktres.

“Inubos mo talaga!” say ni Hash.

“What?” nagulat na tanong ni Ivana.

Saka sinabi ng mama ng magkapatid na pinahid pa ng dalaga sa mukha niya.

“Kaya nga tingnan mo ang ganda ng skin mo,” biro naman ni Hash.

At dahil bangenge na nga ang dalaga, “Di ba pag lasing ako namimigay ako ng pera. Kaya two winners, mananalo ng 20 thousand pesos, mag-comment lang kayo below.”

“Tig-5,000 na lang para at least apat ang manalo,” payo naman ng ina nito.

“O, sige four winners, comment below, lagay n’yo IG n’yo, ime-message kita,” sabay tingin sa camera.

Dagdag pa ni Ivana, “Apat ang mananalo for 40,000 pesos (tig 10k).”

Paalala ng ina, “Sabi ko gawin nating tig-five thousand.”

“E, gawin na nating 80 thousand,” sabi ng dalaga.

“Ha? Okay eight winners tig-10 thousand each, comment down below, subscribe to their channel including Hash Alawi,” sabi ng mama nina Ivana at Hash.

At lasing na nga si Ivana dahil isinawsaw na niya ang burger sa alak na iniinom at nang tumayo ay lumapit sa nanay niya sabay napaupo at niyakap naman ng ina.

“Buhatin ko muna ito, wala na matutulog na ito,” sabi ng mama ng dalaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ma, tawagan mo nga ex ko! Uwi na ako sabi ng mama ko,” sabi ni Ivana na gumegewang nang maglakad.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending