Rabiya handang-handa na sa 2020 Miss U: Sana maiuwi natin ang ika-5 korona para sa bansa | Bandera

Rabiya handang-handa na sa 2020 Miss U: Sana maiuwi natin ang ika-5 korona para sa bansa

Ervin Santiago - April 11, 2021 - 10:00 AM

HANDANG-HANDA nang rumampa ang Filipina beauty queen na si Rabiya Mateo sa gaganaping Miss Universe 2020 sa Amerika sa susunod na buwan.

Nasa US na ngayon ang dalaga pati na ang iba pang kandidata na magpapatalbugan sa Miss Universe pageant sa May 16 (Sunday, 8 p.m. Eastern Time o May 17, Philippine Time) sa Hollywood, Florida.

Last Friday umalis si Rabiya kasama ang kanyang glam team kabilang na ang creative director ng Miss Universe Philippines na si Jonas Gaffud.

Nakatakdang sumabak sa pre-pageant activities ang 80 kandidata mula sa iba’t ibang panig ng mundo  bilang unang hakbang sa pagsungkit sa Miss Universe crown.

Sa isang panayam, sinabi ng dalaga na bago siya magtungo sa US ay talagang matinding training at paghahanda ang pinagdaanan niya para ibandera muli ang Pilipinas sa international beauty pageant.

“Alam ko sa sarili na binuhos ko po lahat ng lakas ko at pinaghandaan ko po talaga ito. Sana in the coming days maiuwi natin ‘yung ikalimang korona para sa bansa,” pahayag ni Rabiya.

Promise pa niya sa sambayanang Filipino, “Ibubuhos ko ang lahat ng lakas sa laban na ito at taas noo kong sasabihin, ‘Ikinararangal kong maging modernong Pilipina sa isip, sa puso, sa diwa, sa salita at sa gawa.’ Mabuhay ang gawang Pilipino!”

Samantala, agaw-eksena naman ang OOTD ni Rabiya nang umalis siya sa bansa nitong weekend.

Ito ang modern Barong Tagalog-inspired na pinuno ng daan-daang crystals, sequins at pearls na gawa ng fashion designer na si Chino Christopherson habang ang kanya namang custom-made high-waisted trousers ay gawa ni Marc Rancy.

Ang printed blazer naman na suot ni Rabiya ay mula sa fashion designer na si Nono Palmos.

Sa hiwalay na panayam sa dalaga, pinasalamatan naman niya ang kanyang stylists at mga fashion designers na sumuporta sa kanya, “I’m very thankful to my stylists, Em and Rain, for helping me in packing all my clothes.

“It’s really hard to do such thing pero dahil passion talaga nila ito at ginagawa din nila para sa bayan, they were able to help me.

“And sa lahat ng mga designers all over the country, mula Luzon hanggang Mindanao, tumulong po sila. They were able to give me a lot of amazing clothes,” pahayag pa ni Miss Philippines.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ngayon, apat na ang Miss Universe crown ng Pilpinas — sina Gloria Diaz (1969), Margie Moran (1973), Pia Wurtzbach (2015) at Catriona Gray (2018).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending