Katrina: Ang hirap naman ng tanong n'yo, mga lalaki! Wala na talaga akong kilig sa kanila... | Bandera

Katrina: Ang hirap naman ng tanong n’yo, mga lalaki! Wala na talaga akong kilig sa kanila…

Ervin Santiago |April 09,2021
facebook
share this

Katrina: Ang hirap naman ng tanong n’yo, mga lalaki! Wala na talaga akong kilig sa kanila…

Ervin Santiago - April 09, 2021 - 09:11 AM

MUKHANG wala na talaga sa priority list ng Kapuso actress na si Katrina Halili ang magkaroon ng bagong boyfriend.

Ilang taon nang single ngayon si Katrina at mula noong dumating sa buhay niya ang anak nila ni Kris Lawrence na si Katie ay hindi na siya nagkadyowa. Talagang ibinuhos na lamang niya ang kanyang atensyon sa pagiging mommy.

Sa guesting ni Katrina sa “Mars Pa More”, halatang-halata ang kawalan na niya ng interes sa mga lalaki. Tila nakalimutan na rin niya ang feeling kung paano ang kiligin dahil nga napakatagal na niyang single.

Sumabak si Katrina pati na ang StarStruck Season 7 Ultimate Female Survivor na si Shayne Sava sa “On The Spot” challenge with hosts Iya Villania and LJ Reyes.

Kailangang kumpletuhin nila ang sentence na nagsisimula sa, “Ang mga lalaki kasi…” na unang sinagot ni Shayne. Ang napuntang tanong sa kanya ay, “Ang mga lalaki kasi, mapaglaro raw. Pero sa kaso ko, alam ko agad na pinaglalaruan ako kapag _____.”

Sagot ni Shayne, “Siguro po alam ko na pinaglalaruan ako kapag madami pa rin ako nakikita sa kanya na puro siya nagko-comment or nagcha-chat ng iba. Or kapag cold na siya, ganyan. Or laging busy, ganyan. Maraming rason.”

Ang napunta namang sentence kay Katrina ay, “Aminin na natin, ang mga lalaki kasi magaling din kasi magpakilig. Kaya naman ang ‘di ko makakalimutang kilig moment na naparamdam sa akin ng isang lalaki ay nung ______.”

“Mars, ang hirap naman ng mga tanong n’yo, mga lalaki. Wala talaga kong kilig sa kanila. Wala na kong maalala. Burado na sila,” hirit ng Kapuso actress.

Pero bigla niyang naalala ang isang eksenang nagpakilig sa kanya noong magbakasyon siya sa Boracay at ligawan ng isang lalaking nakilala niya sa isla.

“May nakilala ako sa Boracay tapos simula nang nakita niya ko, ayaw na niya ko tantanan. Tapos sabi niya may nagtuturo raw sa kanya na ako na talaga.

“Tapos hanggang sa Manila nililigawan niya ko, ganu’n. Tapos siya na ‘yung pinaka naalala kong kinilig ako,” kuwento ni Kat.

Sa isang panayam noon sa aktres, open naman daw siyang makipagrelasyon uli ngunit wala pa raw talagang dumarating na papasa sa kanyang standards.

“Ang hinahanap ko siyempre yung mapapangasawa ko na. Hindi ako para maghanap ng pabebebehan ko. Siyempre yung may pakinabang, di ba?

“Siyempre ako, yun naman hinahanap ko. Hindi lang yung kaemehan lang diyan! Siyempre, gustp ko yung magiging tatay sa anak ko. Mahal ako, mahal si Katie. Yung magpapamilya na talaga.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Yun naman ang hinihintay ko. Hindi yung boyfriend-boyfriend na eme-eme lang diyan. Siyempre yung kaya akong buhayin. Alangan naman buhayin ko pa, di ba? Aba, sandali lang!” pahayag pa ni Katrina sa isang interview.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending